CAYE Ilang linggo na ang dumaan at so far maayos naman ang relasyon namin Luke. Lagi niya akong sinasabay sa pagpasok at hinahatid rin pag-uwi. Masaya ako kasi kasundo na niya ang mga anak ko. Tuwing weekend ay mayroon kaming family bonding. Mas gusto niya kasi na family bonding ang itawag ko. Dahil pamilya niya raw kami at huwag ko raw sabihin na ako lang ang dalawang bata dahil anak daw niya ang mga ito. Minsan kasi doon siya sa bahay natutulog at sabay kaming namamasyal pero laging sa malalayong lugar. Nag-iingat kami dahil baka may makakita sa amin. Sa kagaya niya na kilala at mayaman sigurado akong nasa paligid lang ang mga reporters at magulat na lang ako na nasa internet na ang mukha namin ng mga anak ko. "Are you happy, baby?" Tanong niya sa akin. Kasalukuyan kaming nasa is

