CAYE Nang makarating kami sa bahay ay si tita at ang kambal lang naroon. Nasa school pa ang dalawa. Pagpasok ko ay agad akong tinanong ni tita. "Aye, ang aga mo naman atang umuwi ngayon?" Tanong niya sa akin. "May kasama po ako tita," sagot ko sa kanya. "Kasama? Sino?" "Si Luke po tita," sagot ko. Tumingin si tita sa akin. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng tingin na 'yon. Kaya umiling ako para iparating sa kanya na hindi ko pa sinabi kay Luke ang tungkol sa mga bata. "Nasaan siya?" "Luke, pumasok ka na nga," mataray ko na tawag sa kanya. Nakita ko naman na sumilay ang ngiti sa labi ni tita. Alam ko na natutuwa ito. "Magandang araw ko tita." "Magandang araw din sa 'yo. Matagal rin tayong hindi nagkita," sabi sa kanya ni tita. Tumingin ako kay Luke at nakita ko na may dumaan

