CAYE Maghapon kong inabala ang sarili ko sa pagtatrabaho. Nais kong makalimutan ang nanyari kanina. Hindi ako makapaniwala na bumigay na naman ako kay Luke. Kasalanan talaga ito ng bibig ko. "Bakit kasi tumugon ka?" tampal ko sa labi ko. Tinawagan ko rin si tita para sabihin na hindi kami kakain sa bahay mamaya. Inimbitahan kasi kami ni Jeff na kakain sa labas kasama ang mga bata. Habang nagtatrabaho ako ay may kumatok na staff ko. "Ate, may naghahanap sa 'yo nang tinanong ko ang sabi sa akin asawa mo daw siya. Grabe ate! Ang gwapo niya! Kalevel niya si kuya Jeff," sabi niya na may kasamang pagtili. "Buti na lang ate at masikip ang garter ng panty ko kasi kung hindi baka nahulog na," dagdag pa niya. "Naku Jane, sabihin mo sa kanya na wala pa akong asawa. Malay ko ba kung sino siya?

