CAYE Friday na ngayon at bukas na ang kasal. Busy na kaming lahat sa paggawa ng cakes at iba pang mga desserts. Gano'n rin si Jeff busy na rin siya. Ang sabi niya susunduin na lang daw niya ako bukas. Si tita at si Cherry muna ang mag-aalaga sa kambal bukas at 'yong dalawa naman magiging flower girl. "Maayos ba ang lahat dito?" Tanong ko sa tauhan ko. "Opo ate, maayos po." sagot nila sa akin. Abala ako sa paggawa ng mga flowers na ilalagay sa cake. Ako kasi ang mismong gumawa dahil abala rin ang lahat sa mga staff ko. Gabi na kami natapos at bukas ay maaga pa kami. "Thank you guys. Magkita na lng tayo bukas sa hotel para maiset up natin ng maayos. Sa ngayon magpahinga muna tayo," sabi ko sa kanila. "Salamat din po, ate. Ingat ka sa pag-uwi," sabi sa akin ng staff ko. Napangiti nam

