CAYE Paggising ko nang gabi na. Nang dumating ang asawa ko ay hindi ko pa rin siya pinapansin kahit na nagbigay na siya ng napakaraming ice cream. "How's your day, baby?" Tanong niya sa akin. Nanatili akong tahimik. Hindi ko siya sinagot. "May problema ba tayo?" Tanong niya ulit sa akin. Akmang lalapit ito sa akin pero mabilis akong tumayo at lumabas sa silid namin. Pinuntahan ko ang kambal at hindi ko pinansin ang asawa ko. Nakikita ko pa lang siya ay naiinis na ako kaagad sa kanya. Araw-araw ay gano'n ang nangyayari. Sa tingin ko ay nagtatampo rin siguro ito dahil hindi man lang ako kinukulit. Sa couch na rin ito natutulog. Hindi siya nagtangkang tumabi sa akin. Isang linggo na kaming hindi masyadong nag-uusap ng asawa ko. Lagi akong tulog ewan ko ba pero antok na antok talaga ako

