1 CHAPTER: AMBUSHED

2529 Words
"Happy 18th Birthday, iha!" binati ako ni papa Dante nang maganda nitong ngiti sabay abot sa akin ng kanyang regalo at bouquet of flowers. "Thanks, papa," Niyakap ko siya nang mahigpit. He give me a kissed on my cheeks. "Iha, you're getting younger na. Mas matangkad ka pa sa akin...Happy birthday my unica ija. Dalagang-dalaga ka na pero bawal pa rin mag-boyfriend." Binalingan ko si Mommy Cheska. May gift rin siyang inabot sa akin. As usual niyakap ko rin siya nang mahigpit. "Thank you for all of this, Mom and papa Dante." Sa kalagitnaan nang kasiyahan naming tatlo sa stage kaharap ang mga dumalo na bisita sa mismong harapan ng bahay namin. Naputol iyon nang makarinig kami ng sunod-sunod na ingay ng mga kotse. "Sir Dante...May problema." Biglang may lumapit na tauhan ni Daddy rito sa stage. Namumutla ito at parang kinakabahan. "Huh? Ano'ng problema, Jorge?" tanong ni papa. Naging alerto na rin. Bago pa makapagsalita yung tauhan ni papa bigla na lang may bumaril sa noo niya at natumba ito sa harapan namin. Tumalsik rin ang dugo sa mukha ko. Ang suot kong pink gown nagkaroon ng mantsa. Narinig ko na lang ang sigaw ng mga tao sa paligid. Habang natulala naman ako sa nangyari. I couldn't speak and I couldn't move. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang may dumating na maraming kotse papasok sa loob ng gate. Lahat ng bisita ko natigilan. Kumunot rin ang noo ko habang prinoseso ng isipan ko ang nangyayari sa paligid. While seeing my gown full of blood and the man who's laying down in front of me...My whole body was shivering. Upon knowing that he's dead. "Mga kalaban!" Nakita ko si papa Dante na naghahanda ng kanyang baril. Naglabasan naman ang mga sakay nu'ng kotse itim at pinagbabaril kami rito sa stage. Mabuti na lang agad napatayo ni papa ang lamesa sa harapan at iyon ang ginawa niyang panangga para hindi kami matamaan ng bala. "Magtago na kayo! Cheska, ipasok mo si Sandra sa loob ng bahay! Kahit ano'ng mangyari. Huwag kayong lalabas!" sigaw ni papa. Nakipagpalitan siya ng baril doon sa mga lalaking dumating. Kinurap ko ang mga mata. Nanginginig sa nangyari dahil unang beses na maka-ingkwentro ako ng ganito. Sa mismong birthday ko pa. "Paano ka Dante?" nag-alalang tanong ni Mommy. "I will cover you both...Tumakbo lang kayo papasok ng pinto...Kilos na!" "Mom...sino sila?" nangangatal kong tanong nang sa wakas bumalik na ako sa huwisyo. "We will explain to you later, iha. For now, we need to save you." Umiiyak na si Mommy. Pareho kaming takot sa mga oras na iyon lalo na si papa. Kahit may mga tauhan siya sa paligid na nakipag-barilan rin sa mga armadong lalaki hindi pa rin sapat iyon para protektahan kami. Unti-unti silang na uubos. Ang mga tao naman ay nag-alisan at nagtakbuhan palabas. Meroon ding nadadamay sa nangyaring ambushed. May namatay na civilian at maraming sugatan. "Kilos na, Cheska...Palapit na ang gustong pumatay sa atin! Ayaw kong may mangyari sa inyo" sigaw ni Papa. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko pagkatapos agad na kaming tumakbo patungo sa pinto. Hirap akong tumakbo dahil sa suot kong gown. Nadapa rin kami ni Mommy nang minsan akong natumba sa suot kong heels. "Takbo lang anak...Huwag ka nang lilingon," utos ni Mommy. Hanggang sa marinig ko ang malakas na baril na malapit mismo sa akin at ramdam ko sa aking likuran ang pagkatumba ni mama. Bahagya niya akong nasagi. Ayaw ko sanang lingunin pero dahil sa pag-alala ko nilingon ko si mama sa aking likuran at natigilan na lang ako nang makita kong nakahandusay na siya sa semento. "Cheska!" boses ni Daddy ang sumigaw nun. "Mga hayop kayo!" Parang naging blangko na ang paligid ko. Hindi ko na narinig ang barilan. Tanging nakikita ko si Mommy na nakahiga at duguan ang dibdib at ang kanyang bibig ay may lumalabas na dugo. Nakatulala lang ako sa mga oras na iyon. Hindi ko alam ang gagawin. It was a very first time that I saw a lot of blood...and it came from my Mom. Hindi...Binaril ang ina ko...Panaginip lang ‘to. Hindi ito totoo! "A-anak...t-takbo...m-magtago ka!" hirap na sambit ni Mommy. "M-mom.." tanging na sabi ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Lalapitan ko sana siya pero narinig ko ang sigaw ni papa Dante sa unahan. "Sandra...pumasok ka na sa bahay! Papatayin nila tayo!" Binalingan ko si papa Dante at kita kong lahat ng taong gusto akong barilin agad niyang pinatumba. Wala na ring tauhan si papa Dante. Naubos na... "Si M-Mommy...P-paano po siya?" hikbi ko. "Leave her...I don't want you to die!" Umatras ako dahil sa takot pero nandoon ang kagustohan ko na lapitan si Mommy. Labis ang pag-alala ko. "Sandra...Umalis ka na. Wala na akong bala!" sigaw ni papa. Pagtingin ko sa gate maraming nagdatingan na mga kotse at maraming armado ang bumaba roon. Si papa naman nagtatago sa isang pader. Nasa may kalayuan siya, nagdurugo ang kanyang binti at umiiyak siya roon habang problemado kung paano siya lalaban. Lumunok ako nang maraming beses saka mas inatras ko ang paa nang makita kong babarilin ako nu'ng lalaking kababa lang ng van. Pero bago pa ako matamaan nun biglang may humila sa braso ko at binaon niya ang pagmumukha ko sa kanyang dibdib habang yakap niya ako gamit ang kanyang braso. "Close your eyes,little child...Huwag mong buksan hangga't hindi ko sinasabi!" isang baritonong boses ang narinig ko sa aking tenga. Galing mismo sa lalaking yumakap sa akin. Narinig ko ang sunod-sunod na barilan at ang paghila ng lalaki sa akin sa isang pader at sinandal niya ako roon. Hindi ko na nasundan ang nangyari dahil nasa dibdib niya lang ang mukha ko. He was covering me. All I heard was a gun shots. Amoy ko ang kanyang cologned. Sobrang bango ng lalaki. Ramdam ko rin sa yakap niya sa bewang ko na prinotektahan niya ako. Kahit pa alam kong nakipag-barilan din siya roon sa masasamang tao. "N-natatakot ako, M-mister...Si Mommy...Si D-daddy, tulungan mo sila." Takot at panginginig ang maramdaman sa boses ko habang binaon ko pa rin sa kanyang dibdib ang mukha ko. I was sobbing and begging for help. Humihikbi rin ako at tanging buntong hininga ang nagawa niya. "Ako na ang bahala sa pamilya mo. Dito ka lang. Huwag mong buksan ang mata mo. Tatapusin ko lang ‘to." Sa bawat bigkas niya ng salita parang pinapagaan ang damdamin ko. Kahit hindi ko nakita ang mukha niya. Alam kong mapagkatiwalaan ko siya. "A-ano'ng pangalan mo?" Mabigat na paghinga ang naririnig ko at sunod-sunod niyang pakipagbarilan doon sa mga armadong lalaki. "That's not important...For now. You must hide in here. I will be back." Tumango-tango lang ako bilang sagot. Ilang sandali pa naramdaman ko ang pagkalas ng yakap nya sa aking bewang. Lumayo rin ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hindi ko pa rin binuksan ang mata ko. Ramdam ko na tinititigan niya muna ako bago siya umalis. Tinakpan ko ang dalawang tenga nang makarinig ako nang sunod-sunod na pagbaril at mas malakas na pagsabog. Impit akong tumili. Mariin ko ring pinikit ang mga mata. "Tama na! Tama na!" I whispered. I felt tears in my cheeks was falling down . My trembling lips and knees is hard to resist. Binalutan ako ng takot. Hindi ko mabilang ang oras at minuto kung naka ilang oras na ako sa pagpikit sa likod ng pader habang tumutulo ang luha ko. Hinihintay ko na marinig ko ulit ang boses nu'ng lalaking nagsagip sa akin. Kung sino man siya. Utang ko sa kanya ang buhay na meroon ako ngayon. I was counting the numbers in my head, ignoring the gunshots around me. Until I can feel a warm hand caressing my face. "Sandra, iha... I'm here... Your papa Dante is here." Huling butil ng luha ng mata ko ang tumulo bago ko binuksan ang mga mata. Pagkabukas ko nito nakita ko ang mukha ni papa Dante na labis ang pag-alala. Duguan ang kanyang damit. Umiiyak rin siya. "P-pa..." halos wala nang boses sa bibig ko. "Oh God, iha. I'm really sorry." Niyakap niya ako nang mahigpit. He was sobbing and saying his sorry a lot of times. Tulala naman ako ngunit niyakap ko rin siya pabalik. Pareho kaming umiiyak. Nanginginig rin ako. "Si Mommy...Okay lang po ba si Mommy?" hikbi ko. Hindi agad nakasagot si Papa. "W-wala na ang Mommy mo, iha. Wala na siya." Tila gumuho ang mundo ko nang marinig iyon. Wala nang mas sasakit pa na marinig ko mismo sa bibig ng ama ko na wala na si Mommy. "Hindi...You are joking right? Hindi totoo ‘yan,Papa!" I said hysterically. Pilit niya aking kinalma sa pamamagitan ng mahigpit na yakap. "I'm sorry, iha. It's all my fault." "No...No-no...Hindi patay si Mommy. Hindi siya patay!" sigaw ako nang sigaw. Tinulak ko rin si Papa nang sa ganoon makawala ako sa yakap niya. "I'm sorry iha, I'm really sorry." Iyan ang palagi kong naririnig kay papa Dante. Nag-breakdown na ako sa mga oras na iyon. Nanghihina ako at gulong-gulo ang isipan. Ang masayang ala-ala na kasama ko si Mommy ay sunod-sunod na nag-flashback sa isipan ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nawalan ako ng malay. Nagising ako na nasa kwarto ako. Nilibot ko ang tingin sa paligid at sakto namang napansin ko ang isang lalaki sa sulok. Sa tabi mismo ng pintuan. Nakatayo siya roon habang nakatitig sa akin. Nanlaki ang mata ko subalit hindi familiar ang mukha ng lalaking iyon. He was wearing a simple black T-shirt. May dog tag siyang suot sa leeg. Nakasuot ito ng navy jeans pantalon at naka sapatos siya na kulay itim. Base on his facial expressions. He was a bit old. Mas matanda yata ito sa akin ng ilang agwat. Medyo mahaba rin ang kanyang buhok pero bumagay naman sa kanya. Meroon din siyang bigote. "S-sino kayo? Saan si papa Dante?" Hinang-hina ako at sinubukan kong maupo sa kama. Nakatitig lang sa akin ang lalaki. Hindi man lang ito nagpapakita ng emosyon. "Tatawagin ko lang si sir Dante." Tikhim niya. Agaran siyang lumabas ng kwarto at pagbalik niya kasama na nito si papa. "I'm glad you were awake now, iha. Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni papa. Hinimas niya ang ulo ko. Sinulyapan ko muna ang lalaking nasa likuran niya. Nakatayo ito roon nang matuwid habang nakatingin sa akin. Nakakunot noo ako subalit hindi ako komportable na may lalaking nanonood sa akin lalo na't hindi ko siya kilala. "I'm fine, papa Dante...Uh...what happened? Saan si Mommy? Is she okay!" sunod-sunod kong tanong nang maalala ko ulit ang nangyari. I started to cry. Niyakap lang ako ni Papa. "We will talk about that when you were fine." "Saan po si Mommy? Gusto ko pong malaman." Malakas na nagbuntong hininga si papa Dante. Sinakop niya ang dalawang pisnge ko saka tinitigan ako nang maigi. "Patay na ang Mommy mo." Pansin kong hirap si papa na sabihin sa akin iyon. "N-No...Hindi totoo ‘yan!" sigaw ko pa habang panay tulo ang luha. "I'm sorry, iha...Ipapaliwanag ko sa'yo ang nangyari pagkatapos ng libing ng Mommy mo." Sa araw na iyon hindi ako makapaniwala na wala na akong ina. Masiyadong mabilis ang pangyayari. Masakit isipan dahil nawala ang babaeng kakampi ko sa maraming bagay. Tulala lang ako simula nu'ng magising ako. Kahit sa burol ni mama, wala akong kinakausap na tao. Hindi ko nakikita ang tao sa paligid ko. Including my papa Dante. I keep on ignoring his presence. Umiiyak lang ako palagi. Gabi-gabi rin akong binabangungot sa nangyari. Hindi naging madali sa akin na tanggapin ang lahat. Masakit pa rin sa tuwing naisip ko kung paano binaril si Mommy. Ilang beses nagtangka si papa na kausapin ako pero maski si papa Dante hindi ko siya kinakausap. Hindi ko pa alam ang totoong katotohanan kung bakit kami in-ambushed nu'ng araw mismo ng birthday ko. Hindi pa ako handang makinig sa paliwanag niya. Ang alam ko lang...Masama ang loob ko kay papa. Pakiramdam ko kasalanan niya ang lahat ng ito. Kasalanan niya kung bakit nawalan ako ng ina. "Iha, ito nga pala si Roman Ashero Villasis. Siya ang nagsagip sa atin nu'ng araw na iyon." Saktong katatapos lang ng libing ni Mommy nang muli akong kinausap ni papa Dante. Hinarap niya sa akin ang lalaking may edad na...iyong lalaking nakita ko nu'ng magising ako sa aking kwarto at nandoon siya nakabantay sa pinto. He is still wearing his silver dog tag. Ilang beses ko na siyang napansin sa burol ni Mommy. Nakabantay lang ito sa pintuan kasama ang ibang tauhan ni papa Dante pero hindi ko siya masiyadong pinansin dahil akala ko isa lang siyang normal na tauhan ni Daddy. Nothing special with him. "Ano ang gusto niyong sabihin ko sa lalaking ’yan?" masungit kong tanong. Pansin ko talaga kung paano nagbago ang ekspresyon nu'ng Roman. Galing sa walang emosyon tumigas ang kanyang ekspresyon. Umigting rin ang kanyang panga. "Don't be rude, iha.Nakita ko kung paano ka niya hinila sa isang pader para hindi ka mabaril sa araw na ‘yon...Kailangan mong magpasalamat sa kanya. Kahit hindi natin siya kilala at bisita lang siya nu'ng birthday mo. Tinulungan niya tayo. Siya ang dahilan kaya naubos ang mga sindikatong gustong pumatay sa ating dalawa." Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Kinurap ko ang mga mata nang matanto ko na may sumagip nga sa akin nung in-ambushed kami ni papa. Nagtagpo ang titigan namin ng may katandaan na lalaki. Base in his appearance...He looks like my Angkol. May balbas siya sa mukha. Mahaba pa rin ang buhok niya at may piercing siya sa isang tenga. His eyes were grey, brownish naman ang kanyang buhok. Nakakunot ang noo ko dahil kahit may katandaan na ang lalaki. Nandoon ang malakas niyang séx appeal. May kakaiba sa kanya...Bukod sa malaki ang kanyang katawan, meroon din siyang gwapong mukha. Nandoon rin ang kanyang awra na katatakutan mo. Or maybe masiyado lang itong mysteryoso kung tumitig sa akin. "Thank you for saving me, Mister." Tikhim ko. Ramdam kong nawalan ako ng sasabihin. Because until now. Naalala ko pa rin kung paano niya ako yakapin para protektahan at kung ano'ng amoy ng cologne niya. He looks so expensive, he looks so manly on that day even his voice and the way he calms me using his English accent. I was thinking na bata pa siya nun. Pero sa nakikita ko ngayon. I was wrong. He's old. Para lang siyang simpleng tao. Hindi bagay sa awra niya iyon. Hindi rin siya mukhang yayamanin na lalaki...in short, gwapo ito pero matanda na. Tumango lang siya bilang respond pagkatapos nagbuntong hininga. "Tawagin mo siyang Angkol Roman. Magmula ngayon palagi mo na siyang makikita. Kinuha ko siya bilang tauhan ko...Mapagkatiwalaan natin siya lalo na't utang ko sa kanya ang buhay nating dalawa." Muli kong tiningnan iyong si Angkol Roman. Tikom lang ang kanyang bibig at mukhang hindi rin siya gaanong nagsasalita. Iniwas niya ang tingin nang magtagal ang titig ko sa kanyang mukha. I saw his jaw clenching before he sighed again. "Sana hindi na maulit ang nangyari, Pa..." tanging na sabi ko pagkatapos tinalikuran ko na silang dalawa. "Ayaw kong may mawala sa ating dalawa. Hindi ko na kakayanin," habol ko. "It won't happen again, Sandra. I promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD