Pagkarating namin sa bahay nila Theo kung saan ginanap ang birthday celebration niya. Marami na agad silang bisita ang nagtipon-tipon.
Nakita ko rin ang iba kong mga kaklase na imbitado rin kasama ang kanilang pamilya. Including my two best friend na si Chel at Dannie. Tuwang-tuwa pa ang mga ito nang makita nila ako sa entrance ng gate. Kumuway-kuway ang kanilang kamay.
Ngunit hindi nila ako nalalapitan dahil kasama ko si papa Dante at pinakilala niya ako sa mga matatandang ka edaran niya.
“Mga kasamahan ko sa serbisyo… mga kaibigan… at mga taong pinagkakatiwalaan ko sa trabaho, ipinakikilala ko sa inyo ang anak ko… si Sandra.”
Ang boses ni Papa ay matatag, malalim, at may awtoridad na agad nagpapatahimik sa buong garden venue.
Nakatayo ako sa tabi niya, bahagyang nakangiti, pero sa loob-loob ko gusto ko nalang umalis rito para lapitan ang dalawa kong kaibigan at hanapin si Florence... Saan na kaya 'yung crush ko, siya ang isa sa dahilan kaya ako pumunta sa birthday ni Theo.
"Hello, Sandra! Kay gandang bata mo naman," isang matandang lalaki ang bumati sa akin.
Sanay na ako sa ganitong klaseng atensyon. Anak ako ng isang heneral. Lumaki ako sa mundo ng disiplina, respeto sa mga nakakatanda.
Birthday ito ni Theo, anak ng isang mataas na opisyal ng pulisya, kaalyado ni Papa. Kaya halos lahat ng narito ay may ranggo, may pangalan, at may impluwensya.
“Magandang gabi po,” mahinhin kong bati habang bahagyang yumuyuko.
Sunod-sunod ang mga ngiti, ang mga tango, ang mga papuri na naririnig ko.
“Napakaganda ng anak mo, General.”
“Dalaga na pala si Sandra.”
“Parang artista.”
Ngumiti lang ako. Sanay na ako sa ganitong linya. Paulit-ulit. Walang bago doon.
"Ipakilala mo nga si Sandra sa anak ko...ito nga pala si Deigo, magkasing edad lang sila." Biglang sumingit ang isang matanda at katabi niya ang lalaking medyo moreno, may suot na eyeglasses sa mata at mahiyain.
Napangiwi ako dahil ayaw ko sa mga lalaking nerd. Gusto ko iyong mysterious na lalaki kagaya ni Florence.
"Ako rin, ipakilala mo rin itong anak ko kay Sandra, Dante...Ito rin ang binata ko si Joven. Kilala niya raw si Sandra mula grades school." Isang police ang nagsabi nu'n at kasama niya rin ang anak niyang binatilyo na parang laro ang inaatupag dahil naglalaro ito ng online games.
May hawak pang cellphone, takot na matalo dahil ang atensyon niya ay nasa screen pagkatapos niya akong tanguan.
"Ipakilala ko lang itong si Sandra sa inyo pero paalala ko lang. Bawal itong ligawan!" Si papa Dante.
Napilitan akong makipagkamayan sa mga lalaking anak ng mga kakilala ni papa. Nilabas ko rin ang peke kong ngiti.
Pero habang isa-isa akong ipinapakilala ni Papa sa mga lalaking bisita mga anak ng politiko, anak ng opisyal, mga negosyante napapansin kong tila isa lang ang gusto nila. Alam kong gusto nila na mapalapit kay papa Dante. Para silang may sariling koneksyon kung sakali mang makuha nila ang loob ni papa.
Kung sa bagay, Heneral nga pala si papa. They need him for their protection.
Sa kalagitnaan nang pag-uusap ko sa mga lalaking anak ng mga kakilala ni papa. Bigla namang lumapit sa amin si Theo at binati ako. Nakihalo na sila sa amin kaya napalibutan na ako ng mga lalaki. Si papa naman, busy na sa kakadaldal sa mga kasamahan niya. Nakalimutan niya yatang may anak siya rito.
"Pwede ko bang mahingi ang number mo, Sandra?"
"Gusto ko rin malaman ang social media mo. Ngayon lang kita nakita...Saang Sitio ka ba nakatira?"
Sunod-sunod ang paghingi nila ng impormasyon ko at maski isa sa kanila wala akong sinagot dahil ayaw ko sa kanila. Bukod sa ang babata pa, hindi ko rin type.
Bigla akong tumingin kung saan si Angkol Roman. Nanghingi ako ng tulong para makatakas na ako sa mga lalaki. Umalis na rin kasi si Theo dahil may bisita siyang in-entertain.
Hindi ko mahanap ang matandang iyon. Saan ba siya?
Nilibot ko ang tingin sa bawat sulok. Hanggang sa namataan ko si Angkol Roman na nasa kalayuan. Sa mismong gilid ng main gate. Kasama niya ang ibang tauhan ni papa doon.
Nakatayo siya sa may sulok, halos natatakpan ng anino ng malaking halaman at ilaw na hindi sapat para maaninag ang buong mukha niya. Nakasuot ng simpleng white na polo, nakaayos ang tindig. Alam mo talagang hindi siya bisita rito… kundi isang bantay.
Dahil iyon naman talaga siya.
Tauhan ni Papa.Tagapagbantay.Tagasunod ng utos.At ang lalaking kinaiiinisan ko pala.
Nakatanaw si tanda sa akin ng diretso. Seryoso ang kanyang mga mata.
Ang panga ni Angkol Roman ay mahigpit ang pagkakakapit. Halos gumalaw ang kalamnan sa gilid nito. Ang mga mata niya, nandoon ang madilim, malamig, at… galit.
Ano bang karapatan niya para magalit?
At bakit… bakit parang ako ang kinakabahan?
Tinaasan ko siya ng kilay bilang saad na kailangan ko ng tulong rito. Gusto ko ng umalis pero wala akong lakas para magpaalam dahil busy si papa Dante.
Iniling ni Angkol Roman ang kanyang ulo bilang tugon na hindi niya ako pwedeng lapitan.
Pinandilatan ko siya ng mata. Nainis bigla.
“Excuse me po,” mahina kong sabi kay Papa. “I’ll just get some air.”
Hindi na ako naghintay ng sagot. Lumakad ako palayo sa grupo. Hindi ako dumiretso sa dalawa kong kaibigan dahil bigla kong nakita si Florence na pumunta sa likod ng Hardin. Napangiti ako dahil gwapo ito sa suot niyang white suit.
Habang naglalakad ako sa gilid ng venue, hinahanap si Florence dito sa likod ng bahay nila Theo. Naririnig ko ang musika, ang tawanan, ang tunog ng baso pero lahat iyon ay parang malayo.
“Sandra?”
Napahinto ako sa pamilyar na boses.Paglingon ko… nandun siya.
Si Florence. Nanlaki ang mata ko.
Ang gwapo niya talaga, mahaba ang buhok na bahagyang kulot sa dulo, at ang ngiti niya, nakakagaan ng pakiramdam.
Ngayon niya lang ulit ako nginitian ng ganito.
“Florence…” halos pabulong kong sabi, hindi ko napigilan ang ngiti ko.
“Akala ko hindi ka pupunta,” sabi niya, lumalapit. “Busy ka raw lagi.”
“Pinilit ako ni Papa,” sagot ko, bahagyang natawa. Dahil ang totoo, ako naman talaga ang kusang gustong pumunta rito.
Nitong nagdaang araw lang. Nag-uusap na kami ni Florence dahil na rin si Theo mismo ang lumalapit sa akin.
“Kamusta ka na?” tanong niya.
“Okay lang… ikaw?”
“Mas okay ngayon,” biro niya.
Napangiti ako lalo.
Hindi ko napansin kung gaano kami katagal nag-usap. Parang tumigil ang oras. Napunta kami sa kung anu-anong kwento, kabataan, pamilya, simpleng bagay na bihira kong narinig sa kanya.
At sa bawat segundo na kasama ko siya… nakakalimutan ko kung sino ako.
"Theo, may sasabihin nga pala ako sa'yo...Mamaya," nahihiya pa ako at bahagyang namula.
Balak ko na kasing mag-confess sa kanya. Matagal na akong may gusto rito at ang hirap ng itago. Bahala na kung ano'ng iisipin niya sa akin.
"Bakit hindi na lang ngayon?" paghahamon niya. Lumaki ang ngiti nito.
Sinubukan ko rin ngumiti.Ngunit nawala rin agad nang bigla kong namataan si Angkol Roman sa gilid ng mata ko na sinusundan niya ako. Nasa madilim siya ng parte nitong garden. I can really see his figure kahit magtago siya sa likod ng malalaking halaman.
Kumunot ang noo ko at biglang nawala ang mood ko sa presensiya ni tanda.
Chismoso din ang matandang 'to e! Saka lang siya lalapit kung kailan may time ako sa crush ko. E, hindi ko naman kailangan ng tulong niya rito.
Kaya ko na 'to si Florence, tanda! Umalis ka na diyan!
“Are you okay?” tanong ni Florence.
Hindi ko agad nasagot.Dahil sa mga sandaling iyon.Hindi ko maintindihan kung bakit mas kinakabahan ako sa isang lalaking tahimik lang na nakatayo sa malayo…Tahimik na nagmamasid at nakikinig.
"Uhm..." Tinapunan ko ng tingin si Angkol Roman sa unahan. Pinandilatan ko siya ng mata, para makita niya na ayaw kong sinusundan niya ako.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatingin kay Angkol Roman.
Siguro ilang segundo lang.
Pero sa paraan ng pagtitig niya sa akin, parang galit ito. Kahit madilim sa kinatatayuan niya. Makikita sa liwanag ng buwan ang kanyang madilim na awra at igting ng kanyang panga.
“Hey… Sandra?”
Boses ni Florence ang bumasag sa kung anong tensyon na bumalot sa akin. Napakurap ako, agad na ibinalik ang tingin sa kanya.
“Hmm? Sorry… may naisip lang ako,” pilit kong sagot, pinipilit ibalik ang normal na tono ng boses ko.
Pero hindi ko naibalik ang sarili ko.
Dahil kahit kaharap ko si Florence, kahit siya ang kausap ko, ramdam ko pa rin ang mga mata ni gurang. Parang nakadikit sa balat ko.Parang sinusundan ang bawat galaw ko.
“Parang hindi ka okay,” sabi ni Florence, bahagyang nakakunot ang noo. “May problema ba?”
"Wala naman."
"Kung ganoon...Sabihin mo na sa akin kung ano'ng gusto mong sabihin?"
Bigla akong pinagpawisan. This is my chance pero sinira ni Tandang chismoso! Bwesit siya!
Pero bahala na!
Kinuyom ko ang kamao ng mariin. Nanguha ng lakas.
"Gusto kita, Florence! Matagal na!" pikit mata kong pag-amin.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Sunod-sunod ang hinga ko nang mabigat. Malakas din ang kutób ng puso ko.
Minulat ko ang mata, ramdam ang kaba kung ano man ang reaksyon ni Florence lalo na't hindi ko narinig ang boses niya.
Sa pagdilat ng mata ko. Lumaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang pigura ni Angkol Roman sa likuran ni Florence. Matalim ang titig niya sa akin. Tagis ang bagang at hindi maipinta ang kanyang mukha.
“Miss Sandra.”
Isang mababa, malamig, at nakakilabot na boses ang maririnig mo kay Angkol Roman.
Gusto ko siyang murahin sa isipan ko. Ano'ng ginagawa ng matandang ito? Bakit ang bilis niyang nakalapit.
"Angkol Roman? Bakit nandito kayo? Nandoon si papa. Siya ang bantayan mo!"Turo ko sa pwesto ni papa kanina. Ramdam ko ang taranta.
"Hinahanap ka ng papa Dante mo," malamig niyang sabi. Kasing lamig pa sa mga tingin niya.
Mas malinaw ko na nakikita ang mukha niya nang mas lumapit siya. Sobrang seryoso ni tanda, ang matigas niyang panga, ang bahagyang pag-igting ng kanyang leeg, at ang mga mata niyang… hindi ko maipaliwanag.Hindi iyon simpleng galit.Hindi rin iyon simpleng inis. It's more than that.
"Kilala mo ba siya, Sandra?" tanong ni Florence sabay turo kay gurang.
Sumimangot naman ako kay Angkol Roman. Pambihirang matandang 'to. Panira ng buhay.
"Uh...Oo, siya iyong magnanakaw ng hal—I mean...Magnanakaw iyan sa kabilang kanto. Ninakaw niyan puro mga tira-tirang pagkain ng kapitbahay namin."
"Ha?" Si Florence. Halatang naguguluhan.
"Sige na, Florence. Mamaya na lang ulit, puntahan ko lang si papa." I waved my hand at tinalikuran ko na siya.
Ramdam ko naman ang pagsunod ni Angkol Roman sa likuran ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kahihiyan ko kay Florence o maiinis ako kay tanda.
"Magnanakaw na pala ako ngayon?" rinig kong sabi ni tanda.
Hindi ko siya pinansin dahil totoo naman. Magnanakaw siya ng halik! Piste siya! Panira ng love life ko. Mas doble tuloy ang inis ko sa kanya.
"Huwag mo nga akong sundan, tanda!" inis kong sabi. "Chance ko na iyon e! Sinira mo talaga!"
Binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ako maabutan.
Tinatawag ako ni Angkol Roman. Pero hindi ko talaga siya pinapansin. Hanggang sa nagulat na lang ako nang bigla niyang hinablot ang braso ko at dinala ako sa isang madilim na parte kung saan walang makakita sa amin. Nasa likod ito ng mga damuhan.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"Ano ba!" Tinakpan niya ang bibig ko bago pa lumakas iyon.
Nakikita ko ang kislap ng kanyang mga mata kahit nasa madilim kami ngayon. Seryoso ang titig niya sa akin. Nanlisik rin.
Dahan-dahan niya akong sinandal sa puno ng kahoy na nasa likuran ko para itago ako lalo. He even embraced my waistline.
"Shut up, Sandra."
"Hmmp...hmp!" I tried to say something pero walang boses na klaro ang lumabas sa bibig ko dahil takip ito ng kanyang palad na malalaki.
"Bibitawan ko ito, pero huwag ka'ng sisigaw," banta niya.
Tumango-tango ako. Sa mga oras na iyon kinakabahan ako dahil naalala ko kung paano ako halikan ni Angkol Roman doon sa kwarto ni papa. Ganito rin kami kadikit noon at kulong niya rin ang bewang ko.
Ano na naman ang plano ng matandang ’to? Baka gahasain niya ako rito! Walanghiya!