Ilang minuto rin ng makarating sila sa bahay ni Uly. "Parekoy, ang laki naman ng bahay mo." nanlalaki ang mga mata ni Coycoy na nalulula sa laki ng bahay. "Feel at home kayo ha. Kuha lang ako ng beer." sabi nito saka nagtungo sa kusina. "Manang, patulong na lang nito. Mamaya paluto na rin ng sisig." sabi ni Uly kay Manang. "Sige, Sir." dinala nila ang isang bucket ng beer sa may pool area at doon sila nag-inuman. "Anong atin mga parekoy?" usisa niya sa mga ito. "Ayain ka sana namin sa birthday ni Magdalena sa sabado. Sabi kasi ni Magdalena ay hindi pa siya nakapagpapasalamat ng personal sa outing." saad ni Biloy. Although hindi naman kailangan ay natutuwa lang si Magdalena na mabait ito sa kaibigan nila ni Raul na si Biloy. "Iyon lang ba? Wala 'yon. Pero gusto ko mang pumunta kaya la

