Pagkatapos nilang mag-usap ay nagtungo na siya sa guest room. Doon siya matutulog ngayon. Akala pa naman niya ay may good news na ang pinsan niya. Kung bakit ba naman kasi pakipot pa ito ganoong gusto naman nito ang binata at gusto rin naman ito ni Uly. "Couz, I can't sleep..." tatlong magkakasunod na katok ang narinig ni Eloiza sa pinto ng guest room. Naalimpungatan pa siya. Ang akala niya ay nananaginip lang siya na may kumakatok. "Oh, couz? May problema ba?" tila antok na antok ang hitsura nito. Palibhasa ay ilang minuto na siyang nakaiidlip. Mababaw pa lamang ang tulog niya ngunit masakit sa ulo na nagising siya ng alanganin. "I can't sleep..." pag-uulit ni Pisces. Dala nito ang unan niya habang yakap ito. Agad itong lumapit kay Eloiza. "Why? Ano'ng nasa isip mo?" naupo si Pisces s

