Nang makarating sa restaurant ay agad silang naghanap ng puwesto nila. Sa tabi ng glass wall nila napiling umupo sa may couch malapit din sa glass door. Nang lumapit ang waiter ay agad silang umorder. Pasta at juice lang ang in-order ni Pisces at large salad naman kay Eloiza. "Alam mo, couz, nafi-feel ko lang ha. Type ka niyang si Uly. But... since ayaw mo naman sa kanya ay hindi na kita pipilitin. Mukhang bagay rin naman kami." seryosong sabi ni Eloiza sa pinsan niya. Hindi naman nagbago ang ekpresyon ng mukha ni Pisces. "We're almost the same height din. Hindi naman nagkakalayo hindi ba? And one more this is I'm cute like him." dagdag pa ni Eloiza. Lihim naman na nagngingitngit ang puso at isip ni Pisces. Hindi ito umimik. Bagkus ay kumain na lamang ito ng pasta. Kahit wala itong reaks

