At nakita niya na mabuting tao naman ito. Talaga lang natangay ito ng mga problema niya sa mga panahong nakaaway ito ni Pisces. At nang mga panahon na nagkakausap na sina Pisces at Nejieh ay ito ang naging karamay niya at lagi niyang kausap. Ito rin ang nakakaalam ng pag-uwi niya sa Pilipinas. Hiniling niya rin na itago ni Nejieh ang pagbabalik niya. Naalala pa niya ang usapan nila ni Nejieh. "Are you sure? You should let him know that you're back. I'm sure na matutuwa iyon." paliwanag pa ni Nejieh sa kanya. Ngunit matigas ang ulo ni Pisces at ayaw niyang istorbohin pa ang binata. Lalo pa at siya ang nang-iwan dito matapos nitong mag-propose sa kanya. Ilang buwan niyang ipinaranas dito ang pagiging tunay na couple nila pagkatapos ay iniwan niya rin. Pakiramdam niya ay she doesn't deserv

