Tila isang ilog na hindi mapatid ang pag-agos ng luha ng dalawa nang magtagpo sa gitna. Hanggang sa ipasa na ni Don Ronaldo ang kamay ng anak sa mapapangasawa nitong si Arthur. Bakas sa mga mata ng binata ang maluha-luha nitong mukha. Ngumiti si Nejieh sa kanya at sa kanyang ama. "Take good care of my daughter and love her with all your heart..." sabi ng don. Nakatingin naman ang mga ito sa don dahil ngayon lang nila ito nakita na lumuha. Kung noon ay matigas ito at hindi makikitaan ng ganitong ekspresyon, ngayon ay kasing lambot ng bulak ang damdamin nito. Kasabay ng pagtango ni Arthur sa matanda ay ang siyang pag-alis umalis naman nito sa harapan nila. Doon ito naupo sa puwesto nito malapit sa tabi nina Pisces at Uly. Hinaplos ng ina ni Nejieh na si Heidi ang likod ng don habang siya

