"Mom, this is Pisces Montejano, my wife." pagdating na pagdating pa lamang nina Ulysses at Pisces ay ipinakilala nito ang pekeng asawa sa kanyang ina. "Hi Mommy," saad naman ng dalaga. Tila nakakita ng isang anghel si Shena sa katauhan ni Pisces. Sopistikada na may maamong mukha. "It's nice to meet you, hija. You look gorgeous..." hindi maalis ang tingin nito sa dalaga. Bukod sa masaya ito na sa wakas ay masaya na ang anak niya dahil may asawa na ito ay mailalayo pa ito sa oportunistang si Linda. "You too, mom. Thanks." sabi nito na nakangiti pa na tila makakasundo niya si Shena pagkatapos ay saka naupo ang mga ito sa sofa. Dumating naman ang ama nito na si Leander. "Hijo, congratulations! Siya na ba ang daughter-in-law namin ng mommy mo?" baling nito kay Pisces. "Yes, dad." sagot nam

