Natatawa na lang si Susie sa matanda habang napapailing. Nakatutuwa rin si Mang Berto na nag-aalala ngunit hindi rin naman magandang nakikialam sa buhay nang may buhay. Ngunit ano nga bang alam nito tungkol sa kanya? Hindi niya maiwasan alalahanin ang mga nakalipas nang maglaho na ang matanda. Napaupo siya sa kanyang upuan sa may tindahan at napatulala sa kawalan. Naalala niyang muli ang dating kinakasama nang hindi na niya matanaw ang matandang si Mang Berto. Napapaisip siya sa sinabi nito. Paminsan-minsan din kasi ay hindi rin mapigilan ang bibig nitong si Mang Berto. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Kung sabagay ay hindi rin naman alam ng matanda ang kalagayan nila ng kinakasama niya noon na ama ng kanyang anak. Ano kaya ang kalagayan naming dalawa kung kami pa rin? Tss. Bakit ko ba

