GLENDA

828 Words
Sawsawan ng bayan. Yeah, I'm used to be labeled as such. Noong una masakit, but eventually keri na. I started to live my life unapologetically. As a woman, at least kilala ko ang sarili ko. I like the attention of men and work hard for it dahil kapag gusto kita, magiging akin ka! "Siguro naman dahil may anak ka na, titino ka na!" Sermon ni murdrakels. Isang magandang pagkakamali si Ashley. Teenager pa ako nun, what do I know di ba? "Opo!" Sagot ko, if titino means hindi na ako magpapabuntis, pero it doesn't mean na hindi na ako titikim ulit. I spot men at work or in places where they usually hangout. Inuman, reunions, sauceko!, pati simbahan at pagsali sa cell group ay pinatos ko, maka-meet lang ng lalaking mamahalin ko. Then I discovered the gym. It's perfect! Just weed out the straight from the gays and viola! Nasa all male buffet ka na. In fairness ha, makinis ako kahit medyo mataba, kaya lumuluwa pa rin ang mata ng mga loko sa suot kong sport bra na ang neckline ay mababa. Si Nicolo agad ang naka-agaw ng atensyon ko, p*tsa Sobrang yummy ng lolo mo! Kaso ang hirap ligawan, ubusan ng budget ang labanan. After naming maging magkaibigan, na-i-uwi naman nya ako kaagad ng Walang palagan. Yun lang may pagka high maintenance, ako na ang sumagot ng gym membership nya for our relationship sustenance. Pati yung nasira nyang phone, bumili ako ng kapalit. Yan tuloy, budget for Ashley's vaccine ay nasungkit. Ayos lang, sulit naman lalo at nalalambing ako ni Nicolo nang magdamagan. Kaso may dumating na bruha! Yung anak nung may-ari ng gym na nagmamaganda. Eh di wow! Sya na ang bata, sariwa, at innocent looking, pero maniwalang hindi yun marunong kumerengkeng. Naging very territorial ako, kanya na ang lahat ng lalaki basta wag lang nyang ahasin si Nicolo.  "Wag kang masyadong clingy, pupuntahan kita pag may time ako. Nagkikita na nga tayo sa gym at nag-che-check-in pagkatapos eh, ano pa bang gusto mo?" Madalas na reklamo sa akin ng bebe koh. Eh sa Ganito ako mag-mahal, parang addict lang. Ibibigay ang lahat, maging akin ka Lamang.  Pinilit ko na lang lumipat kami ng ibang gym... "Yoko nga! Andito ang barkada...".  Wala akong magawa kundi magkimkim...  ...sa mga barkada ni Nicolo na Madalas huntahin si bruhilda, haist! sarap hagurin ang mukha ng plantsa. "Eh di sama mo yung girlfriend mo dito sa gym, for your bonding...". Narinig kong sabi ni Bruhilda kay Juv, hindi gumana ang "nagkaka-labuan-ni-girlfriend" nitong ninja move. Na-impress ako kay Bruhilda, hindi sya tanga. Bigla Akong naaliw sa galing nyang mambara sa bawat lalaking pumuporma sa kanya. Kahit si Nicolo ay nahuhuli kong sumusulyap pero di ito uubra sa matalim kong pag-irap. Ewan ko ba, grabe Ako ma-fall ng todo-todo, lahat isusugal ko, kahit sa sakit ay nabibinggo. Ilang beses kong nahuhuli si Nicolo pero di Ako matuto-tuto. Wala eh, mahal ko. "Bakit ayaw mo kay Lanz?" Minsang Tanong ko kay bruhilda na ang pangalan pala ay Glenda. "Nasa kanya na ang lahat, tsinito, gwapo, at..." "Sawsawan ng bayan." Nagpanting ang tenga ko sa narinig. "Meaning?" Bigla akong naging defensive at sa inis ay nanginig. "Hindi nya mahal ang sarili nya. Si Lanz yung tipo ng lalaking kahit poste basta nakapalda papatol, pero he is really coming from a place of hurt not confidence. Sa gwapo nyang yan, he is really insecure. Sleeping around became his security blanket to feel that he is special. Ang totoo, he is looking for love at the wrong place, dahil dapat sarili nya muna ang minahal nya by putting higher value on himself. Akala ng mga lalaki, ang Sukatan ng masculinity nila ay sa dami ng babaeng kanilang na-i-kama. Wala silang pinag-iba sa babaing p****k, para rin silang nabibilasang isda na bente isang tumpok." Napalunok ako. Tagos sa puso ko ang description ni bruhilda este Glenda. "S..sino ka to judge him?" "It takes one to know one. Kinailangan ko pa nito para magkaroon ako ng courage to turn my life around." Natulala ako sa malaking peklat nito sa pulso. "Only when I learned to step backward that I truly see myself in the eyes of men. Only when I love myself first that I realized na hindi ko kailangan ng lalaking kukumpleto sa akin. I need a man who loves himself enough to see my true value." "Babe, na-renew mo na ang membership ko?" Sabay akbay sa akin ni Nicolo. I stepped back and saw him for the first time. I also saw myself in his eyes. "Babe! San ka pupunta?" Sigaw nito habang lumalabas ako ng gym. "Looks like ikaw na ang magbabayad ng dues mo..." Rinig kong sabi ni Glenda. That day hindi lang si Nicolo ang tinalikuran ko, I also left my old self.  Ayaw ko na sa iyo, break na tayo! Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad na luhaan.  From that day forward pinangako kong hindi na ako magiging sawsawan ng bayan. 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD