[ TYLER CLYDE POV]
.........
+ CIVIL REGISTRATION OFFICE +
“Darating pa ba ’yon? Baka… patay na siya,” saad ni Kurt habang pareho kaming nakatayo sa labas ng sasakyan sa harap ng registration office.
Napalabas ako ng lighter Saka inilabas Ang Isang sigarilyo.
Bago pa man ito sindian ay napasinghap ako at ibinaling ang tingin sa relo ko.
11:43 A.M.
Higit isang oras na kaming naghihintay.
"Magpadala ka nalang ng bulak-lak sa lamay nya." Huli Kong Saad sabay open ng kotse .
Bago paman pumasok sa loob ng kotse ay Isang malakas na motor Ang paparating.
RRRRRRMMMMMMMMMMM!!!
Napalingon kami ni Kurt.
Siya. Si Khoezenie.
Sugatan at may punit ang manggas ng dress niya, may sugat din ang gilid ng labi nya.
Napatingin kami Kay Kurt sa isa't Isa Saka muling binaling Ang tingin sakanya.
"Saglit lang Mr. Shrewdly... Pasensya na nahuli ako ng dating." Hingal nyang Saad ng mapa ayos kami ng Tayo.
'San ba kumukuha ng lakas tong babaeng to? Kakaiba sya .' bulong ko sa sarili .
Nakangiti lang ito na parang walang nangyari sabay abot ng papeles.
"Ano to?" Tanong ko ng mapa smile lang ito.
"Tara na . Mag register na Tayo."
____________
Pagkatapos naming ma registro ng kasal namin ay nakipagkamay pa ito.
Kaawa-awa. Bakit ba napaka desperada nya.
Disappointed akong pumasok sa kotse Saka binigay Ang card ko sakanya Kasama ang contact card ko.
"May kailangan ka pa ba? " Malamig Kong Tanong ng mapa tango ito.
"Sayo na tong pera mo. Tulad ng sinabi ko, Hindi ko kailangan ng kahit ano. Gusto ko lang makilala ka ni dad. May Oras ka pa ba? " Mahinahon nyang Tanong
Agad Kong binuksan Ang sasakyan Saka sya inaya sa loob.
" Sabihin mo Ang lokasyon. Pormal ako ng magpapakilala kung Ganon. "
Ilang Oras din kaming bumyahe papunta sa Bahay nila.
May pagka mysterioso Ang Lugar at medyo malayo sa siudad.
Hindi ko pa masyadong Kilala Ang taong to. Pero Hindi na Bale, Hindi naman ako interesadong Malaman pa Ang tungkol sakanya.
Malaki Ang Bahay nila, walang Duda na may kaya Ang pamilya nya kaya Hindi na sya naghangad pa ng pera.
Pagpasok ay bumungad samin Ang mga tauhan nito at Isang katulong na syang naghatid saamin papunta sa dining area kung saan naroong naghihintay ang kanyang ama.
' May mga tauhan sila, pero bakit hinahayaan syang mag Isang pagala-gala.'
"Dad, Magandang araw. Heto po si Tyler Clyde Shrewdly, Asawa ko." Pakilala ni khoeznie Sakin sa kanyang ama.
"Magaling. Dahil pinagkakatiwalaan ka ng anak ko. Pagkakatiwalaan na din kita. Maupo kayo." Saad ng kanyang ama ng maupo kami sa harapan nya.
" Balita ko Isa kang CEO ng Isang mayamang companya, At Hindi Ganon ka lantad Ang pagkakakilanlan sa pamilya mo. Maari ko bang Malaman kung Meron ka bang dapat aminin tungkol sa totoong pagkatao mo?" Deretsahang Tanong ni Mr. Alvarez
Napangisi lang ako Saka sumagot. " Huwag po kayong mag alala, malinis Ang record ng pamilya ko."
Iba Ang tingin ng kanyang ama Saakin. Para syang kumikilatis.
"Kayo po, baka may nais kayong aminin tungkol sa pamilya nyo?" Balik Tanong ko ng mapa ubo si khoeznie.
"Ah-w-wala naman. Wala din. Isa lamang kaming simpleng tao na namumuhay ayon sa moral. " Sagot ni khoeznie
Nagpatuloy pa Ang pag uusap namin Hanggang sa umabot na kami ng hapon bago nagpaalam.
Inihatid namin si khoeznie sa condo nya.
"Maraming salamat sa pagpapanggap. Huwag kang mag alala gagawin ko kung ano man Ang ipag utos mo. Tulad ng ipinangako ko. Sayong sayo na ako." Ngiting pasasalamat ni khoeznie nang pati si Kurt Hindi maiwasang tignan sya.
Maganda sya pati ang ngiti nya, Hindi alintana Ang nangyari sakanya kanina. Masayahin Padin.
Nakaka-awa nga lang at magiging instrumento lang sya sa mga Plano ko.
Hindi kona pinansin pa Ang sinabi nya kaya ipanapaandar Kona Kay Kurt Ang sasakyan Saka umalis.