[KHOEZNIE'S POV]
---
Ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Para bang may humihila pababa sa katawan ko habang pilit kong iniuunat ang mga daliri. Mahina. Masakit. Mabigat.
Unti-unti kong naaninag ang paligid. Maputi ang kisame. Mabango, pero may halong amoy ng antiseptic. Tumingin ako sa kaliwa may dextrose. Sa kanan naman, may monitor na may mga kumikislap na ilaw.
Napadaing ako nang maramdaman ko ang matinding kirot sa hita ko. Isang mahinang daing lang ang lumabas sa bibig ko.
Nasa ospital ako... pero bakit?
"Oo nga pala! Bwisit na mga manyakis ‘yon! No way! Nakita kaya ni Tyler? Alam kaya niya? Hindi ko pwedeng i-expose ang sarili ko baka mapa-aga ang divorce namin. Sayang effort ko!" bulong ko sa sarili.
Pilit kong iniangat ang katawan ko pero bigla akong napapikit sa sakit.
“Ma’am… ma’am, huwag po muna kayong gumalaw. Bago lang po ang tahi ninyo,” mahinahong sabi ng nurse na pumasok sa silid.
Wala akong masabi. Napalunok lang ako. Mahapdi ang lalamunan ko, parang tuyong-tuyo.
Saka ko muling naisip...
‘Sino nga palang nagdala sa’kin dito?’
"Excuse me, nurse… s-sinong nagdala sa’kin dito?" tanong ko.
Hindi pa man siya nakakasagot ay biglang bumukas ang pinto.
Ramdam ko agad ang malamig at mabigat na presensya ng taong pumasok. Si Tyler.
Mapanganib ang ekspresyon niya. Hindi siya mukhang nag-aalala. Wala ni katiting na pag-aalinlangan sa mga mata niya.
Napasimangot ako pero pilit pa ring ngumiti. Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang inabot ang leeg ko.
“DON’T RUIN MY LIFE AND EVERYTHING I BUILT, KHOEZNIE!” mariin niyang sigaw sabay piga sa lalamunan ko.
Napasinghap ako. Mabilis. Hindi ako makahinga. Pilit kong inaalis ang mga kamay niya gamit ang manghihinang bisig ko, pero wala akong lakas.
"Sir! Bawal po 'yan sa pasyente!" gulat na saad ng nurse, pero tinapunan lang siya ng malamig na tingin ni Tyler, sabay senyas sa tauhan niyang ilabas siya.
Agad isinara ng tauhan niya ang pinto. Muli siyang tumingin sa’kin.
“Kung lalabas ‘tong nangyari sa publiko… kung masisira ang reputasyon ko dahil sa’yo… PAPAT*YIN KITA.”
Doon ko unang naramdaman ang takot. Ang kaba.
Sa buong buhay ko, kay Dad lang ako natakot. Pero ngayon… bakit parang kinilabutan ako sa banta ng lalaking ‘to?
‘Hindi! Ang presensya niya… tulad ng kay Dad. Pero malinaw naman na wala siyang kaugnayan sa underground. Khoeznie, ano bang nangyayari sa’yo?!’ sigaw ko sa isipan.
Bumitaw siya sa leeg ko. Napaubo ako’t naghabol ng hininga.
"P-psensya na… h-hindi na m-mauulit… uhu! uhu!" nanghihina kong saad nang makita ko ang pagtiklop ng kamao niya.
“Tandaan mo. Niligtas kita para hindi masira ang pangalan ko. Matuto kang ayusin ang sarili mo dahil pareho lang nating ginagamit ang isa’t isa!"
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Tsk. So kailangan mo rin pala ako, Mr. Shrewdly. Magtapat ka nga… Nagtataka rin kasi ako kung bakit bigla kang pumayag sa proposal ko?" Mapang-akit kong tanong.
Napalunok siya.
Napasinghap ako, saka seryosong tumitig sa kanya.
"Ah… Yung nangyari kay Christine? Possible kayang gawa ng mga kaaway mo ‘yon? Kumusta na siya after malaman ng public na ako ang asawa mo? Safe na ba siya? … Gamit? So you used me para layuan siya ng mga kalaban mo?"
"Don't think too much," tanging sagot niya bago mabilis na humakbang palabas.
Napakuyom ako’t nasuntok ang kama.
"Hindi pwede ‘to. Nagiging seryoso ako. Kalma lang, Khoeznie. Hindi ka pa pwedeng ma-expose ngayon. Kailangan mong kuhanin ang loob niya, hindi makipag-away!" bulong ko sa sarili.
Paano? Wala pa akong nakikitang sing-lakas ng awra at presensyang katulad niya. Kailangan ko siya para labanan ang mga katunggali sa kabilang partido…
Magpapahinga pa sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Si Dad.
"Yes, Dad?"
"Nagka problema sa dating lapagan ng mga kargamento kaya sa daungan sila makikipagtransaksyon."
"Ano?! Dad, alam n’yo namang doon madalas makipag-transaksyon ang mga kaaway!"
"Wala akong magagawa. Hindi pwedeng ma-delay."
Napakamot ako ng ulo.
"Sige na, anak. Punta ka sa daungan ng barko sa silangan. Kung may problema, tawagan mo agad ako para makapag-backup."
Agad kong tinanggal ang dextrose sa kamay ko. Kahit may nararamdaman pa rin akong sakit, pinilit kong tumayo at lumabas ng ospital. Kailangan kong puntahan ang lokasyon na sinabi ni Dad.