Ang lamig paring makitungo ni tyler. Napapa isip Tuloy ako kung pinagkaitan ba to ng pagmamahal. Pero imbes na pagka abalahan ko ang isipin iyon ay mas itinuon ko nalang Ang attention ko sa mga Plano namin ni dad kung paano lalabanan Ang mga kaaway nya sa kabilang partido kung sakaling aatake muli sila.
Ilang taong na din Ang lumipas na walang war sa pagitan nila. Pero Hindi dapat kami makampante. Kailangang maging handa.
Kinabukasan, maaga akong nagising para sana magluto ng aming almusal ni Tyler, pero Ang epic.
Sunog na mga pagkain ang naihain ko sa mesa. Gayunpaman laman din naman yon ng tiyan kaya inihain ko paden. Sayang e.
Ilang sandali lang ay bumaba siya, suot ang itim na coat at may hawak na susi. Walang lingon. Walang bati.
"Good morning," bati ko, may ngiti.
Hindi man lang siya tumingin. Diretso lang siya sa pintuan. Hinabol ko ng tingin.
"Tyler... may niluto ako. Kahit isang kagat lang?" pilit kong hiling.
Pero tumigil lang siya saglit, saka malamig na tumugon.
"Tsk, kinakareer mo Ang pagpapanggap?
Huwag kang mag alala Hindi mo kailangang magpanggap dito. Wala namang ibang tao ."
Napakamot ako bigla.
"Oo nga naman hehe.. s-sige.. aalis kana?" Awkward na tanong ko pero nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
"Wow. Multo ba ako?" Irap Kong Saad Saka napasinghap.
'sayang din tong mga karne.'
Kumagat ako sa niluto ko nang malasahan ko Ang pait. Pait nang nakaraang Hindi ka ipinaglaban... Chrr.
"Ang pait!"
Napadura ako Saka ibinasura ang pinaghirapan Kong paitimin sa kawali.
Muli akong Bumalik sa kwarto Saka nagbihis.
Wala naman na akong iBang pinagkakaabalahan sa Buhay bukod sa pagiging special agent. Pero nag resign na din ako dahil kailangan ako ni dad.
Pagkabihis ay agad akong nag abang ng taxi sa main road Saka pumunta sa bar ni Gina.
"Big time! Wala pang masyadong tao?" Bungad ko Kay Gina sa kanyang opisina na ikinagulat nito.
"Ano ka ba! Para kang ipis, kung San San sumusulpot." Kunot noo nyang Saad ng mapa make-face ako.
"Sya nga Pala! " Ipinakita ko sakanya Ang papel na ipinaskil ng tauhan nya sa labas ng bar.
"TADA! naghahanap ka Pala ng bar tender? Pwede ako."
"Ikaw!" Nabigla nyang reaksyon.
" Khoeznie maawa ka naman Sakin. Pag nalaman Yan ng Asawa at ng tatay mo? Edi bagsak Ang companya ko."
"Wala namang pake alam si Tyler."
Napatayo ito.
"E si Tito?"
Napakamot ako ng ulo Saka sya pilyang tinignan.
"Tingin mo?" Ako
Napasinghap ito Saka muling umupo sa upuan nya.
"Pasensya na Hindi pwede." Muli nyang saad.
Napasimangot akong lumabas sa opisina nya Saka nagpa konsensya.
"Naiintindihan ko kung Hindi mo na ako kailangan, walang silbi! "
Pumapalabas na ako pero
Bago pa man masara Ang pinto nya ay hininto nya ako.
"Sige na nga. P-payag na ako. Pero... Siguraduhin mo lang na Hindi magagalit si Tito
" Sa wakas napilitan din sya.
Napatangonlang ako Saka napatalon sa tuwa at Saka sya lumapit at mahigpit na niyakap.
'thnk'