CHAPTER 11

724 Words
Tulad nga nang sinabi ni Tyler ay sinundo ako ng tauhan nya papuntang Grand Hotel. Suot ng mamahaling pulang gown na bigay nya at napakagandang make up ay confident akong pumasok sa venue. Hindi maiwasan ng iBang mapatingin sa sa direction ko dahil sa nakakaakit Kong suot. Miski ako Hindi comportable. "Pwede bang mag jacket nalang ako?" Tanong ko sa secretary ni Tyler ng mapa iling ito. "Ma'am okay na yan. Ang Ganda nyo nga po e." Pambobola nya pero deep inside tuwang tuwa ang g*ga. Habang nililibot Ang paningin ay Nakita ko Ang tema ng program. Bakit Hindi nya sinabi na isang corporate event Pala ito na magpapakilala sa pinakaambisyosong proyekto ng kompanya nila: “NEUROTECH: The Future of Robotic Living.” Lahat ng matataas na tao sa industriya ng AI at robotics ay naroon. CEO’s, investors, foreign engineers, pati media. Sa sobrang dami ng ilaw at mamahaling gamit sa loob ng hotel ballroom, pakiramdam ko'y hindi ako nababagay sa lugar na 'to. Pero Siyempre, Gabi ito ni boss Tyler kaya dapat lang na suportahan ko sya. Suot niya ang custom made black suit na parang inilapat sa balat niya. Walang kahit sinong lalaki sa silid ang makalalapit sa ganda ng tindig at bagsik ng aura niya. Maya-maya pa ay nagsimula na ang pagpapakilala ng produkto sa entablado, nakangiti siyang tumayo sa harap ng mga taoisang version ni Tyler na hindi ko kilala. Professional. Charismatic. Genius. Pinakita niya ang prototype AI na kusang nakakabasa ng emosyon ng may-ari nito, kusa din itong nag-aadjust ng behavior. Smart appliances with empathy. "Imagine a world where your home understands your silence," saad niya. "Where technology doesn't just follow, but anticipates." Sunod-sunod ang palakpakan. May mga lumapit para batiin siya. Lahat ng naroon, parang gutom sa atensyon niya. Pero siya, nakangiti lang at ako, naiwan sa sulok, tahimik na pinagmamasdan siya. Bigla akong napalingon nang may isang babae ang nasa tabi lang ng table ko na Todo din Ang supporta nya Dito. Pamilyar. Si Christine. Wow.. Kasama Pala sya sa event. Dahil patapos naman na Ang event ay naisipan Kong magpahangin Muna sa labas sa May pool. Apaka tahimik, magandang pagmasdan ang mga ilaw Mula sa kalayuan ng hotel. Habang ninanamnam Ang katahimikan at hangin ay Isang babae Ang lumapit Saakin. "Ganyan mo ba suportahan Ang Asawa mo?" Napatanong nya. Napalingon ako "Christine? Bakit , Hindi naman nya ako kailangan sa loob." Natawa Kong sagot Kita ko Ang inis sa Mukha nya. "Ano ba! Asawa ka niya kaya dapat samahan mo sya sa pag greet ng mga malalaking opisyal." "Tss. Ganyan ka ba ka obsess? Bakit Hindi Ika?" Sagot ko ng mapa atras sya . Nagsimulang pumatak Ang mga luha nya. "Dahil Hindi ako Ang pinilit nya. Gayunpaman nais ko Padin syang suportahan. Paki usap Gawin mo iyon para Saakin." Yuko nyang Saad ng mapapikit nalang ako. 'ibang klase talaga Ang nagagawa ng love. Hys.' Inabot ko Ang tissue Mula sa bag ko . "Pasensya na ." Paumanhin ko. "Ma'am, paumanhin po sa abala. Nais po kayong Makita ni sir. Shrewdly. " Sulpot ng tauhan ni Tyler. Napatingin ako Kay Christine Saka suminghap. "Since tinulungan naman kita. May Utang ka Saakin. Kaya para maging patas na Tayo. Pwede mo ba akong gawan ng Isang pabor?" Pa simple Kong Saad ng mapatingin ito Saakin. "Honestly kanina pa kumakalab Ang sikmura ko. Feeling ko may diarrhea ako. Pwede bang Ikaw na Muna Ang pumunta Kay Tyler. Dalhin moto. Kailangan nya to. " Bilin ko na ikinabigla nya. "P-pero.. Ikaw ang-" "Ano ba. Gusto mo ba akong matae sa harapan ng mga guests?" Kunwari Kong Saad ng ngitian lang ako nito. Kita ko Ang di mapintang ngiti sa mga mata nya. Pati na Ang excitement na makalapit Kay Tyler. 'Ewan. Bakit ba Patay na Patay sya sa Tyler na iyon.' Agad umalis si Christine "Ma'am, sigurado kayo?" Tanong ng tauhan ni Tyler ng mapatango ako. "Nakakaawa naman. Baka maging Romeo at Juliet pa ng pilipinas kapag tuluyang nag separate." Natawa ko nalang na sagot ng pati ito matawa din. "Uhm.. a.. sya nga po Pala. Nais nyo po bang ihatid Kona kayo sa Bahay nyo ma'am?" "Hindi na. Gusto ko munang maglakadlakad." Agad nang nagpaalam Yung tauhan Sakin kasabay non ay umalis na din ako sa event.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD