CHAPTER 12

537 Words
Naglakad ako papalayo sa venue habang iniisip kung ano kaya Ang gagawin ko kung sakali ngang biglang umatake Ang kaaway ni dad. Suot ko pa rin ang gown habang hawak Ang heels. “Sana naman Hindi Ganon ka-handa ang mga kalaban.” Naputol ang iniisip ko nang mapansin kong may itim na van na sumusunod mula sa kabilang kalsada. Tatlong lalaki ang bumaba sa dulo ng eskinita. Dahan-dahang tumatawid, parang mga gutom na lobo. “Miss, gusto mo ng sakay? Delikado ang gabi…” nakangising sabi ng isa, may hawak pang sigarilyo. Ang isa pa, hawak ang phone. May kinukunan baka ako. Baka para ibenta sa dark web o para lang pagtripan. ‘Mga baliw,’ bulong ko sa sarili. Mabilis akong lumiko sa isang alley, Ayos ang layout. Dead spot ng CCTV. Hindi ako makukunan Dito. Laro na. Narinig kong tumakbo ang mga yabag nila sa likod ko. Pero sa halip na kabahan, inayos ko Ang posisyon ki, nilukot ang gown ko hanggang hita, at tinanggal ang hairpin ko na siyang may nakatagong mini dagger. Sa likod ng isang container, tumigil ako. Tinago ang sarili sa anino. Pagdating ng una, sinipa ko sa tuhod. Umalingawngaw ang sigaw niya, at bago pa makarekober, inundayan ko siya ng siko sa leeg. Bagsak. “Put—!” Napamura ang isa pa nang makita ang kasama nilang bumagsak. Hinugot ko mula sa thigh strap ko ang custom taser blade, isang regalo mula kay dad. Hinampas ko sa braso ng ikalawa, sabay talon sa likod niya at inikot ang leeg ng mabilis. Hindi siya agad natumba. Malaki ang katawan. Nakabawi siya at tinulak ako sa pader. Tumama ang balikat ko, ramdam ko agad ang kirot. Dumugo ang braso ko nang pumutok ang tahi ng gown dahil sa pagkakahampas ko sa matulis na bakal. Pero hindi ako umatras. Sa halip, nang sumugod siya ulit, umatras ako at ginamit ang takong ng heels ko para itarak sa gilid ng tuhod niya. Bagsak. Ang ikatlong lalaki, mukhang natakot. Tumatakbo na papalayo, pero bago pa siya makatakas, kinuha ko ang dagger at tinapon diretso sa hita niya. Sigaw. Bagsak. “Huwag na kayong babalik.” Bulong ko sa hangin habang pinupunasan ang dugo sa labi ko. Humugot ako ng hininga at kinuha ang mini sewing kit na lagi kong dala panahi ng sugat. Kailangan Kong maka uwi. Agad akong nag abang ng taxi at sakto namang may huminto. "Ma'am Bakit-" Hindi na nito natuloy Ang pagtatanong ng itapat ko Ang karayom sa leeg niya . "Magmaneho ka nalang wag nang madaming dada." Saad ko kaya nagmaneho nga ito papunta sa compound. Pagkabayad ay nagmadali na akong pumasok sa Bahay , tahimik lahat. Salamat. Pagkapasok sa kwarto, napaupo ako sa sahig. Isang malamig na tawa ang lumabas sa bibig ko. "Hindi pwede to, Hindi pwedeng ganito ako kahina. Paano kung bigla akong atakehin ng mga kaaway ko!" Nahihirapan man ay pinilit ko pading gamutin Ang mga sugat ko sa katawan. 'Kainis! Napapaliguan na ako ng pawis at parang Hindi kaya ng katawan ko Ang sakit. Pagka gamot ng sarili ay napahiga Muna ako dahil sa pagod. 'idlip lang. Paki usap' bulong ko sa isipan at Hindi ko namalayang unti-unti na nga akong nawalan ng puot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD