Pagbukas nang mala mansion na Bahay ni Tyler ay bumungad agad Saakin ang napaka ilegante nitong disenyo, mamahaling kagamitan at mabangong amoy ng kaniyang Bahay.
Bigla Tuloy akong napaisip.
'Maganda sigurong tumira Dito kung Marami kayo, Kasama ng mga magiging anak nyo..'
Napapangiti ako sa sarili Kong imahinasyon nang magsalita magsalita si Mr. Diego( tagapangalaga ni Tyler.) Mula saaking likuran.
" Nagkita ulit Tayo. Ms. Alvarez, Mali. Mrs. Shrewdly na nga Pala."
Napaharap ako Saka sya nginitian.
" Thank you for recognizing me. Ano't naparito ka? Huwag mong sabihing aalukin mo ulit ako ng pera?"
Natawa sya Saka Umiling.
"Gusto Kong humingi ng paumanhin sa naging asal ko . "
"Huwag kang mag alala , Hindi naman ako Ganon Kasama para Hindi ka patawarin. "
"Salamat. Sya nga Pala iiwan Kona sayo Ang pag-aalaga Kay master Tyler. Kung magka problema man iiwan ko sayo Ang number ko. Pwede mo akong tawagan anytime." Bilin nya.
Natawa nalang ako sa loob-loob ko.
'Ano sya bata?tss..'
Bago umalis si Mr. Diego ay nag tour Muna kami sa loob ng Bahay ni Tyler.
Itinuro nya kung saan ako pwedeng magpahinga, kwarto ko, saan pwedeng mag work out, mag luto at iba pa.
Pagkatapos non ay Saka sya pormal na nagpaalam...
Nagpaalam na din saakin Ang mga tauhan ni Tyler kaya ako nalang mag Isa sa loob ng malaking Bahay na ito.
Naka upo sa sofa, nililibot Ang paningin
"Anong gagawin ko Dito?" Tanong ko sa sarili.
Agad Kong inopen Yung TV ni Tyler pero laman sya ng Balita, nakakasawang panoodin kaya pinatay Kona ito.
Napasinghap muli ako Saka unti-unting nai-idlip ang mga mata ko.
------------
Nagising ako dahil sa kalabog na narinig ko Mula sa labas.
Agad akong tumingin sa Oras nang makitang 8:30 pm na Pala.
Napabalikwas ako ng Tayo Saka tinignan Ang laman ng ref.
Napaisip ako ' Magluluto pa ba ako? Hindi na siguro'
Muli Kong isinara Ang refrigerator Saka pumunta sa guest room.
'Dito Muna ako pansamantala.'
Palihim akong sumilip sa masters bedroom upang alamin kung naka uwi na nga si Tyler.
Gayunpaman Wala pa ito.
Hindi Kona tinangkang pasukin pa Ang kwarto nya pero pagkaharap ko ay nagulat ako nang nasa likuran ko Pala sya.
"A-H-hi. W-welcome home haha" awkward kong Saad pero binalingan nya lang ako ng Malamig na tingin.
"Tabi." Saad nya Saka pumasok sa kwarto nya.
"K-kumain kana ba? Gusto mo bang ipagluto kita?" Ngiting Tanong ko pero Hindi ito sumagot.
Magsasalita pa sana ako ng muli nya Akong balingan ng matalim na tingin.
'Ang sakit a. Kala naman ninakawan ko sya ng pagkalaki-laki.'
Napatalikod nalang ako Saka dahan dahang umalis pero bago pa man makapunta sa guestroom ay magsalita ulit ito Mula sa pintuan.
"Saan ka pupunta? " Tanong nya ng mapalingon ako.
"Kakain? Gusto mong sumabay? " Ngiti Kong Saad ng ilabas nya Ang Isang maliit na kahon Saka inihagis Saakin na sya namang sinalo ko.
"Ano naman to?"
"Isuot mo."
Pagkabukas ng kahoy ay Nakita ko Ang Isang mamahaling singsing.
"Wow.. Magkano?" Biro Kong Saad
Napangisi ito bago sumagot. "Bakit? Gusto mo ba? Php 200 lang Yan."
Nakunutan ko sya ng noo " Grabe ka! Ano ba nama't napaka- kuripot mo. Apaka cheap ng taste mo ah."
Nainsulto Kong Saad .
Grabe kahit fake couple kami dapat quality Yung ibibigay Sakin. Aanhin ko naman to.
"Ako nang bibili ng wedding ring. Benta mo nalang tong sing sing mo." May pagka inis Kong Saad Saka ibinalik Ang singsing nya.
Maglalakad na sana ako paalis ng hawakan nya Ang kaliwang braso ko Saka pilit inilagay Ang sing sing.
"Tingin mo Ganon talaga ako ka cheap? That is the currently most expensive ring in the world. Worth $71.2 million. Kaya kapag nawala Yan puputulin ko daliri mo."
Wala nanaman nyang emosyong Saad.
"We? Hindi ba to online? " Siningkitan ko sya ng mata ng talikudan ako nito.
"Keep that. Habang Wala pa Yung totoong nagmamay Ari." Huli nyang Saad bago isinara Yung pinto.