Chapter 50 KASSANDRA POV I HAD been asleep for hours, maybe? Napabangon ako nang may marinig na may nagbukas ng pinto ng silid na tinutulugan namin ng mga anak ko. Kinapa ko ang bukasan ng ilaw sa lampshade sa ibabaw ng side table at binuhay iyon. Sa malamlam na ilaw ay nakita kong nakatayo roon si Kaydan sa pintuan. Ang kamay niya ay nanatili sa door knob. Ganoon parin ang suot niya. "A–Anong oras na at gising ka pa?" Tanong ko sa inaantok na tinig na halos pabulong. Bumangon ako at bumaba sa kama. "Quarter to twelve..." pabalik niyang bulong. Bumitiw ang isang kamay niya sa doorknob at tumuloy sa loob, lumakad palapit sa kama. Tinitigang mabuti ang mga bata, yumuko siya at hinagkan sa noo isa–isa ang mga anak ko. Pagkatapos ngumiting bumaling sa akin. "Hinatid ko si Attorney sa p

