Chapter 52 KASSANDRA POV "MAY bisita tayo," he said grimly. "Sino?" Tanong ko. Pero hindi sumagot si Kaydan, nakita kong nagtiim ang mga bagang nito. Sinundan ko nang tanaw ang mga mata niya. Mabilis akong napabitiw sa kamay niya ng mapagtanto kong si Jacob ang lalaking nakatalikod at karga–karga si Bryn. "Jacob, Love!" Lumingon ang lalaki sa amin at isang payak na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Time to go home, Wife!" Nakangising sabi ni Jacob. Napahugot ako nang paghinga. Jacob was wearing a tight faded blue jeans and signature sport shirt. Tall, over six feet and well–built. Hindi sila magkalayo ng laki ni Kaydan sa hitsura halos parehas magagandang lalaki maliban lang sa mga mata. Si Kaydan lang ay medyo mahinahon sa kanyang paraan. Pero naramdaman ko, sa ilalim ng pagkam

