Chapter 47 KASSANDRA POV NAGISING ako sa mabangong aroma na nanunuot sa ilong ko. The aroma of freshly brewed coffee. I rolled over at tumihaya ako sa kama, inabot ang unan at niyakap ito. Nakita kong inilapag ni Kaydan ang tray sa center table. Manghang sinulyapan niya ako. Bitbit ang umuusok na mug ay lumakad siya patungo sa akin. Inilapag niya ang mug sa side table. Lumundo ang bahagi ng kama nang maupo siya roon. Muli akong napapikit, anong oras na kaming nakatulog kagabi? Hindi matapos ang mga k'wentuhan mula sa dalawang batang makukulit. "Kass..." banayad niyang tawag, sabay dampi ng halik sa nakahantad kong balikat. "Baby, wake up..." "Hmm..." Unti–unti akong nagmulat. Hindi ko maintindihan ang ligaya at init sa puso na dulot ay kakaiba at hindi mapantayan ng anumang ibang pak

