02

966 Words
Khairo Aragon's POV; Tahimik lang ako habang nakatingin sa mayayamang negosyante na nakaupo sa hindi kalayuan. Base sa postura at mga tauhang nakapalibot sakanila hindi lang sila basta mga negosyante lang. "Ang gagandang nilalang naman pala ng mga anak mo Mr.Aragon." komento ng isa sa mga kasamang babae ng mga sinasabi kong negosyante. "Masyado kang nagpapaloko sakani kanilang tyura Laila alam mo bang dalawa sakanila ang pumatay sa traydor mong kapatid." Sabat ng lalaki na kinakibit balikat ng babae bago kami tingnan. "Dapat lang yun sakanya at isa pa humahanga lang naman ako features ng mga batang yan what if pa pag nagbinata na sila." Sagot ng babae na kinatahimik ko. Katulad ni papa kasing dilim ng basement na ito ang budhi ng mga taong nandito. "Lord Aragon andito na sila." Ani ni Khunbar habang may hila hila na kung sino at walang kaano anong ibalya yun sa gitna kasama ang ilan pang tao. "L-Lord A-Aragon." "Akala mo ba makakalabas kana lang ng bansa ng ganung kadali?ha?Mr.Min." ani ni papa. Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan bakit ito ginagawa ni papa. Para ba sa kapangyarihan?koneksyon?o pera ang dahilan hindi ko alam pero hindi mababago nun ang katotohanang kahit sino pinapapatay niya once na magkamali,magtraydor o wala ng halaga sakanya...katulad ni mama. "Dahil sa malaki naman ang nagawa mo sa kompanya nitong mga nakaraang taon..bibigyan kita ng pagkakataon mabuhay pero dapat makatakas ka sa mga batang yan." Ani ni papa na kinayukom ng kamao ko. Kitang kita ko ang pag asa sa mukha ng matanda pero---. "Pero pag nahuli kayo ihanda niyo na ang kumpisal niyo kay san pedro." Ani ni papa. Kitang kita ko ang liwanag sa mukha ng mga taong mukhang tauhan ni papa sa kompanya dahil siguro nakikita nilang mga bata lang kami...pero sino ba talaga sa kwartong ito ang nakakaalam ng tunay naming pagkatao? "Khairo saan ka pupunta?" Tanong ni kuya Hector ng maglakad ako paalis ng dalhin kami ni papa sa bukana ng gubat at patakbuhin ang mga panibagong target habang sina Kuya Phantom naman ang inutusan ni papa na patayin ang mga aso niyang nagkukumahog makalabas. "Ayokong makita ang mga kahayupang gagawin at gagawin pa ni papa." Walang ganang sagot ko habang naglalakad palayo. Pero bago ako makapasok sa palasyo rinig na rinig ko ang alingaw ngaw ng putok ng baril sa loob mismo ng kagubatan. Sa edad na apat na taong gulang lahat kami hinulma ng sarili naming ama bilang si kamatayan sa mundong ito. Si kamatayang minsan na naming hinihiling na may dumating din para samin para sa katahimikan at mailigtas kami sa mga gagawin pa naming kasalanan. --- "Bawal bata dit---." "Anak dito ka nga bakit ka ba kasi nandiyan?" Tanong ng ina inahang kanina ko lang nakilala. Ang maganda lang sa pagiging bata walang kahirap hirap kang nakakapasok at makakalabas sa mga ganitong lugar ng walang naghihinala dahil...bata ka. "Sorry mama naligaw po ako." Magalang na sagot ko bago pasimpleng hinaplos ang earpiece sa tenga ko bilang signal na okay na. Kasama ang nanay nanayan ko exact time and position nahimatay ang emplayado sa fire exit mismo pagkatapos mawalan ng bisa ang gamot na tinurok sakanya. "Airo nasa fifth floor ang target may kasamang babae ikaw na bahala." Rinig kong sambit ni kuya L na kinapokerface ko bago pasimpleng paikutin ang patalim na nasa kamay ko na sa unang tingin parang laruan lang. Astig din nagagawa nitong laruan ni kuya Hector eh ng makataas ako at makapasok sa elevator nag act lang ako ng normal at inaabot ang mga numero na nasa gilid ng pintuan. "Hey bata nasam kasama mo?" Tanong ng mukhang empleyado din habang nakatingin sakin. "Hinahanap ko po mama ko nasa fifth floor po kasi siya."magalang na sagot ko bago magpacute. "Mga ina talaga ngayon teka ako na pipindot gusto mo ihatid kita?" Tanong ng babaeng empleyado na kinailing iling ko bago ngumiti. "Ang bait niyo po ate... pero ate mamaya bago mag 3pm umalis na po kayo dito sa building may something po kasi akong nararamdaman hihi." Ani ko. Magtatanong yung empleyadong babae ng biglang bumukas yung pinto. "Wieeeehhh tshing tshing!" Parang batang sambit ko bago tumatawang lumabas ng elevator at naglaro muna habang iniiscan ang buong paligid. "Stay ka lang sa position mo Airo bibigay ako ng signal pag okay na." Ani ni kuya L. "Copy." Bulong ko habang nilalaro yung eroplano eroplanohan na naglalaman ng mini bees na gagamitin ko para makatulog ang mga bantay dito. 3rd Person's POV; Mula sa kinauupuang monitor ng batang si L kitang kita niya ang ginagawang paglalaro ng batang si Khairo na nakaupo lang sa pinakaposte. May pailan ilang lumalapit sa batang lalaki pero sinasabi lang nito na inaantay niya mama niya. "Hector how's the area?" Tanong ni L. "Nahack ko na ang mga cctv ayos na." Sagot ni Hector. "Airo may 10 minutes ka lang para patayin ang target panandalian kong pinatigil ang mga elevator diya sa kompanya kaya ikaw na bahala kung pano ka lalabas." Ani ni Hector sa earpiece na nasa tenga nito. "Gumalaw kana Airo." Walang buhay na utos ni L. "Bata bawal ka d---." Naputol ang sasabihin ng lalaki ng pagtakbo ng batang lalaki sa pagitan nila may lumipad na kung ano sa mga laruan ng batang lalaki at agad silang nakaramdam ng hilo at antok. "Give me 2 minutes." Walang buhay na sagot ni Khairo bago pumasok sa kwarto na kinatayo naman nina Hector at L na nagsisimula ng maglakad palabas. "Hindi niyo imomonitor lagay ni Young master?" Tanong ng batang si Claude habang sumisilip sa loob. "Antayin mo na lang siya sa labas pauwi na yun." Bored na sagot lang ni Hector bago lampasan ang mga tauhan na nagbabantay sa control room. "Mission Accomplished."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD