"Hoy Rhianne! nagtatampo ako sa'yo, bakit hindi ka pumunta sa birthday ko?" malungkot na sambit ng kaibigan ni Rhianne na si Elly.
"Alam mo namang nag-aral ako para sa incoming intrance exam ko"
"Puro ka lang aral, aral. hindi ka ba napapagod?"
"Ako mapapagof kakaaral? Hindi, never, dahil may pangarap ako sa buhay"
"So, parang sinasabi mo na wala akong pangarap sa buhay gano'n?"
"Hay naku, elly. minsan kaya gamitin mo rin iyang utak mo? puro ka lang kasi jowa, jowa, ano bang napapala mo?"
"Napapala ko? Happiness. masaya kaya kapag may jowa ka"
"Hindi ka ba nabubuhay ng ikaw lang mag-isa? jowa... Tss. walang kwenta."
"Napaka bitter mo talaga!"
"Mas better, kaysa naman magjowa ako puro manloloko lang ang mga lalaki"
"Ay wow, natry mo na ba? Eh, never ka pa ngang nagkajowa, tatanda ka yatang mag-isa sa buhay"
"Mas okay na iyon, okay na ako sa sarili ko, mahal ko ang sarili mo"
"try mo rin kaya? Wala namang masamang magtry—"
"try mo rin kaya mag-aral ng matino hindi puro lakwatsa lang?"
"for you information, nag-aaral ako ng matino habang mainlove kay idol"
"tss. hindi kayo magtatagal, sa una lang iyan masaya"
"At least naging masaya, kaysa namang hindi ‘di ba? ang pangit kaya pag puro aral ka lang, tapos hindi mo naman magagamit sa future"
"excuse me? So, parang sinasabi mo na nag school tayo para sa wala? let me tell you, kaya tayo nag-aral para magamit natin sa future, may pangarap ka ba talaga elly?"
"malamang, sino bang tao na walang pangarap sa buhay?"
"Ikaw talaga!"
"Hindi ka na nga pumunta sa birthday ko tapos inaaway mo pa ako"
"Sinong nagsabing inaway kita? Pinagsasabihan lang kita, kulit kasi ng bibig mo, eh!"
"Nga pala, saan ka mageentrance exam?"
"Sa Zhivago University"
"Hala omg! really ba? Oh my god, I hope makapasa ka para naman sabay tayo"
"tss. ayaw kaya kitang kasabay nasisira pagiging good student ko sa'yo"
"Esis, mag eenjoy ka do'n, as in, sobrang saya mag-aral sa Zhivago University. Bukod kasi sa maganda ang turo doon ay marami ring pogi, ack! omg! si zhyrus!"
"Ikaw may jowa ka na pero lumalandi ka pa rin"
"Sinasabi ko lang naman na madaming pogi doon, lalong lalo na si zhyrus, kaso nga lang—"
"Ang boring naman ng topic mo"
"Ikaw ang boring. tara nga, street food date tayong dalawa—"
"Ay bet ko iyan!"
"Ayan tayo, eh. ayan tayo pagdating sa pagkain... "
"Sino ba tatanggi sa grasya? Siyempre pagkain na ‘yan"
"Let's gora na sis!" kumapit si Elly sa braso ni Rhianne at lumabas na silang dalawa.
Matagal ng magkakilala si Elly at Rhianne, dati silang magkaklase na ngayon ay naging magkatalik na kaibigan.
"What if ipablind date kita?"
"what if sabihin ko sa jowa mo na lumalandi ka?"
"Ayon, maniniwala sa'yo? eh, mahal na mahal ako no'n, tsaka never ko siyang ipagpapalit sa iba, siya lang sapat na"
"Ang jeje mo, sis."
"Gano'n talaga kapag nagmahal ka nagiging jejemon ka"
"Nandamay ka pa."
"Nagsasabi ako ng totoo, sabi kasi sa'yo itry mo na magjowa"
"Magjojowa lang ako kapag nakatapos na ako ng pag-aaral at successful na sa life"
"No, sis. tatanda kang dalaga"
Nang makarating sila sa kanilang paroroonan ay pumili sila ng kanilang gustong kainin at tinake out ito. Dinala nila ito sa may playground at doon sila tumambay habang na nanonood sa mga batang naglalaro.
"Dapat ikaw manlilibre kasi birthday ko, eh. kuripot mo talaga rhianne"
"It's not kuripot, it's pagtitipid. Masama bang magtipid? Sobrang hirap na kaya ng pera ngayon"
"Oo nga, mahirap at mabilis maubos ang pera ngayon pero isipin mo rin na need mo rin sumaya, gumala ka rin paminsan minsan, huwag iyong nakastay ka lang sa bahay para kang nakakulong"
"Alam mo namang hindi ko hilig ang gumala hindi ba? Waste of time lang iyan, kung ang ginala ko, inaral ko nalang edi may natutunan pa ako"
"Need mo lang kasi mag-enjoy. alam mo bang salitang ENJOY?"
"Nag-eenjoy na ako sa pag-aaral ko"
"Hindi, sis. Hindi ka nag-eenjoy, pinipilit mo lang, halata sa mga mata mo. Alam mo Rhianne, walang masamang mag-enjoy, walang masamang magpahinga, huwag mo ibigay lahat lahat. katulad sa pagmamahal, huwag mo ibigay lahat, magtira ka para sa sarili mo."
"Sanay na ako, elly. Mahal ko ang sarili ko, nag-eenjoy ako."
"Oo nga, halatang halata na nag-eenjoy ka, pati nga mga mata mo namumula na dahil sa saya, eh." Napayuko si Rhianne.
Alam ni Rhianne sa kanyang sarili na tama si elly, pinipilit niya lang ang sumaya.
"Need kong makapasa sa entrance exam, kakayanin ko, para maging proud din sila sa akin."
"Family mo na naman? Alam mo, huwag mo na silang isipin dahil ikaw mismo na anak nila hindi ka nila iniisip"
"Pero pamilya ko pa rin sila, sila pa rin ang dahilan kung bakit ako andito sa mundo, sila ang dahilan kung bakit ako naghihirap ngayon"
"Pamilya mo pa rin sila, kahit anong gawin mo, sila pa rin ang pamilya mo tsaka hindi sila ang may kasalanan dahil sila lang ang lumuwa sa'yo, ang diyos ang bumuhay sa'yo"
"Hindi ko talaga alam, bakit minsan anghel ka, minsan demonyo ka? Kanina lang parang magkabaliktad tayong dalawa, ah?"
"Parang hindi naman nasanay ‘to, alam mo namang pabago bago ako ng isip"
"Buti kahit pabago bago ka ng isip, hindi ka naghanap ng bago?"
"Bakit ako maghahanap ng bago kung kuntento na ako sa kanya?"
"Ayan na naman, kalandian level 99"
"Ayan na naman siya, bitter level 100" natawa nalang sila preho. Kahit parang aso't pusa silang dalawa araw araw, masaya pa rin. Tanging si Elly nalang ang nagsisilbing nagpapasaya kay Rhianne ngayon, dahil mismong pamilya niya ay dinodown siya. Never silang naging proud sa mga na achieve ni Rhianne sa buhay.
Napatingin si Rhianne sa may bandang puno ng makita niya si Joshua na may hawak na bulaklak at parang may hinihintay.
"Oy teka lang, may date ba kayo ni Joshua ngayon?" Tanong ni Rhianne kay elly.
"Wala, may importanteng lakad daw siya ngayon, eh. bakit mo natanong?"
"Gano'n ba?" Tumayo Rhianne.
"Saan ka pupunta? May tuturuan lang ako ng leksyon, napaka kapal kasi ng pagmumukha, eh."
"Bakit parang galit ka d'yan? " napatingin si elly sa direksyon kung saan nakatingin si Rhianne. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Joshua.
"Wait, surprise ba this? Akala ko may importanteng lakad siya?" patakbong lumapit si elly kay joshua.
"Josh—" napahinto si elly ng makitang may lumapit na magandang babae kay Joshua at niyakap ito. Ibinigay naman ni Joshua ang bulaklak sa babae.Hindi na nagdalawang isip si elly, lumapit siya kay Joshua.