"Ano ba sinusundan mo ba ako?" "Hindi," "E anong ginagawa mo?" inis na tanong ni Hailey. "Ang totoo niyan hindi ako marunong mag commute." ani Hunter na ikinataas ng kilay ni Hailey. "Oh! E bakit ka nag commute?" "Sira nga ang sasakyan ko wala akong choice." "Ang yaman-yaman mo na iisa lang ang kotse mo." "Bibig mo baka ma holdap tayo dito saka hindi ako mayaman nakakaluwag lang sa buhay. Ang OA mo sa mayaman." "Wow pa humble ka pa talaga, yang mukha mo ayusin mo." ani Hailey na kumuha ng wipes sa bag at inabot kay Hunter. Kanina pa niya gustong-gustong punasan ang ilong nito sa bus kaso na hihiya siya dahil kinikilig ang mga tao bus na tod tukso sa kanial si Hunter naman bigay todo ang pakikipag biruan sa mga pasahero na akala mo ka close. Kaya hindi na lang niya tiningnan si Hu

