"Saan tayo pupunta?" tanong ni Melody habang sakay ng sasakyan ng asawa ng bigla na lang itong sumulpot sa prisinto nila at kinaon siya at may pa flower pa na akala mo naman ay tunay na manliligaw. Ang lawak pa ng ngiti nito kanina na kala mo boyfriend na nag papa cute. "Gusto mo bang mag take out tayo ng ulam para naman hindi ka na mag luluto pag-uwi natin?" tanong ni Nick habang nag mamaneho at inabot pa ang kamay ni Melody na hinalik-halikan pa ni Nick na ikinangiti naman ni Melody. "Ano nanaman kagaguhan ang ginawa mo?" "Hala! Mang bibintang nanaman kababati lang natin e." ani Nicanor na tinawanan naman Melody, "Bakit kasi ganyan ka? Nagiging clingy ka lang naman kapag may ginawa kang kasalanan." "Hindi ba puwedeng masaya lang ako sa ginawa mo kagabi." napangiti naman si Melody

