Nakapikit si Hunter habang nakatingala sa madilim na kalangitan na natatakpan ng mga mayayabong na puno. Hindi niya alam kung ano ang una niyang iisipin ang presscon bukas na sa resort pa niya gagawin. Kung alam lang niya na si Sharon ang nag pa book ng resort niya para sa isang presscon kahapon lang hinarang sana niya. Akala niya kung sino lang pontio pilato kanina lang niya nakita ang malalaking banner ng pag mumukha nito na akala mo mangangampanya ng pag uwi niya. Akala niya presscon ng isang product launching, iyon pala na cancel ang na unang event kaya naka singit si Shawn. I'm sure sinasadya lang nito na dun gawin sa resort niya ang presscon para ipamukha sa kanya na ito ang pinili ni Hailey at hindi siya. Napabuga ng hangin na napatingin sa mga binti niyang nakalubog sa tubig na bu

