"May good news and Bad news ako sa'yo ano ang gusto mong unang marinig?" tanong ni Hunter ng bumalik siya sa resort after samahan si Hailey at Sandy na puntahan at silipin ang bahay na lilipatan ni Sandy na mahigpit na bilin ng asawa na wag daw niyang sasabihin kay Keil dahil patay daw siya rito kapag nalaman ng kuya nito. Kaso lang hindi siya ang tipo ng taong nag papasindak sa asawa. Kaibigan niya si Keil at mahal niya ang asawa niya pero mahal din niya si Keil kaya alam niyang mapapatawad siya ni Hailey kung magiging daldal siya para din naman ito sa future ng kuya nitong malakas mag toyo. "Ano naman yan?" "Mamili ka na lang dali." napaisip naman si Keil na nakatingin sa kaibigan. "Bad news na lang." "Aalis na si Pirena sa bahay niyo." "What?" gulat na bulalas ni Keil. "Oo, pinun

