Kabado si Hailey habang sakay ng bridal car niya patungo sa simbahan, kasal naman na sila ni Hunter pero grabe yung kaba na nararamdaman niya ngayon na akala mo naman 1st time siyang ikakasal. Kanina pa siya na iyak na hindi niya mawari, masaya naman siya pero iba talaga yung galak at kasiyahan niya ngayon buti na lang talaga waterproof ang make-up niya. Kahit pinipigilan naman niya ang luha kusang na lang nalabas ang luha niya kahit na tatawa na lang talaga siya. Naka dalawang panyo na siyang nababasa mula pa kanina. Ngayon nasa harapan na sila ng simbahan at kasalukuyan na niyang naririnig ang tunog ng music ng entorage and any moment palalabasin na siya ng bridal car, nasa loob na din ang magulang niya na mag hahatid sa kanya sa altar. Panay na ang buga niya ng hangin tiyak na mamaya

