"Hindi ako kasing tanga ng iniisip mo Julie." galit na sigaw ni Keil habang nakatingin sa malaking tiyan ni Julie na ayon dito kabuwanan na daw nito ngayon at sinasabi nitong siya ang ama ng bata. 'Di lang daw nito masabi noon dahil magagalit ang magulang kaya ibang lalaki daw ang itinuro nito. Hindi daw ito totoong nag ibang bansa nag tago lang daw ito para itago sa magulang ang pag bubuntis nito na parang ang hirap paniwalaan. "Hindi ko sinabi maniwala ka! Gusto ko lang ipaalam sa'yo, hindi ko rin sinasabi na panagutan mo ako or ang bata." Hikbi pa ni Julie habang nasa apartment siya na tinutuluyan nito. "Alam ko kung anong mali ang ginawa ko, hindi ko din naman alam na mabubuntis ako." "Listen carefully Julie, hindi ko alam kung paano ka nabuntis. Ang sabi mo sa akin noon ayaw mo p

