Tahimik na naka-upo si Hailey sa lobby ng condominium ni Shawn bukas pa dapat ang original na balik nila ni Honey ng Manila pero naki-usap ang anak niya na baka puwede mag spend pa muna ito ng isang araw pa kasama ng Daddy nito. Biglaan kasi ang pag yaya niya sa anak na uuwi na sila ng kanina. Kaya kinausap niya si Hunter na kung puwedeng ihatid nito si Honey ng Manila ng Linggo ng umaga, nag dahilan na lang siya na kailangan niyang mauna dahil meron siyang appointment. Hindi na niya sinabi ang totoo na nalaman na niya ang tungkol sa pag loloko sa kanya ni Shawn gusto lang niya makita mismo ng mga mata niya. Nakapag utos na siya sa isang kaibigan kung kaya nitong alamin kung nasa Makati ba si Shawn at ayun naman dito nakita na daw nito si Shawn. Napakuyom naman ang dalawang kamao niya ng

