Halos paliparin na ni Hunter ang sasakyan papuntang resort niya ng magising siya na wala sa tabi niya si Hailey. Buong pag-asa pa naman niya magigising siya na may ngiti sa labi dahil mag damag nanaman nilang pinag saluhan ang isa't-isa. Pero nagulat siya ng magising na wala na sa tabi niya si Hailey at 8:30 na ng umaga. Ang alam niya 9am ang simula ng presscon ni Shawn sa resort niya at inalam na ni Keil kung para saan ang conference. Lilinisin pala ni Shawn ang pangalan ni Hailey at kasabay na i-aannounce nito ang kasal na binabalak nitong gawin dito mismo sa Laguna. Natatakot siya sa maaring maging sagot ni Hailey pero gusto niyang makita at marinig ang sagot nito after ng may nangyari sa kanila kagabi. Umaasa siya na baka kung makikita siya nito mabago ang isip nito na siya talaga a

