"Nag sisi ka ba?" tanong ni Hunter kay Hailey ng bumalik siya sa kama after mag banyo. Kita kasi sa anyo ni Hailey na malalim ang iniisip nito. Naka-upo ito na kasandal sa headboard ng kama habang balot ng kumot ang katawan nito, nakaligo na ulit ito at dahil wala itong susuotin dahil nasa ibang silid pala nito naiwan ang pinag bihisan nito kaya kumot ang ginamit nitong pag balabal sa katawan. Naupo siya sa tabi nito wala pa rin siyang saplot at hindi na siya nag aksayang takpan pa ang kargada niya dahil wala siyang balak na matapos lang sa 1st round ang ginawa nila ni Hailey. "May karapatan pa ba akong mag sisi sa ginawa ko?" balik tanong ni Hailey na nilingon si Hunter. "Wala tayong ginawang masama Hailey, asawa pa rin kita at asawa mo pa rin ako. At ikaw na din nag sabi na wala kang i

