"Bakit kailangan n'yong gawin to Mama," galit na bulalas ni Shawn na sapo ang noo na nag papabalik-balik sa loob ng office nito. "At anong gusto mo gawin ko pabayaan ang Marissa na yun na sirain ang lahat ng plano ko, noon ko pa sinabi sa'yo na sakit lang ng ulo ang babaeng yun pero mas inuna mo pa yang kalibugan mo kesa sa reputasyon natin." napa-upo si Shawn na sapo ang ulo at hindi alam ang unang gagawin. "Hindi ko akalain na aabot kayo sa ganito." tumawa naman si Sheryl. "Kilala mo ako Shawn, gagawin ko ang lahat mawala lang ang lahat ng sagabal sa buhay natin." napabuga ng hangin si Shawn na muling tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong pa ni Sheryl sa anak ng palabas na ng office niya. "Kailangan kong pong puntahan si Hailey." "Kailangan mo munang e-memorize ang script mo, there is

