"Anong ginagawa mo diyan?" angil na ni Hailey habang kausap ang asawa gamit ang phone ng kuya niya. "Sorry akala ko kasi sandali lang kami dito pasensya na talaga, Ley!" abot-abot ang pag hingi ng sorry ni Hunter sa asawa dahil inabot na sila ng gabi dun dahil nag yaya ng mag-inom ang ama ni Sandy habang nag sasabitan ng pera sa mga ikakasal habang nag sasayaw. "Sorry-hin mo mukha mo Dugong! Aalis ako iiwan ko mga bata... mag lalamyerda ako, mag bubuhay dalaga ako bukas bahala ka sa buhay mo." "Hailey naman, ang kuya mo naman ang sinamahan namin ni Nick. Hindi na lang kami pinayagan na umuwi kanina kasi madilim daw sa daraanan namin." "Wala akong paki-alam kung madilim ang dadaanan niyo. Mga kalalaki n'yong tao, ang sabihin mo puro laklak ka nanaman. Sa susunod na mag-iinom ka isusubo

