"Hailey! Hailey! Hailey." malakas na sigaw ni Hunter na mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng kainan ng makita na wasak ang harapan ng kainan at nasa loob na ng kainan ang sasakyan na muntik ng bumangga sa kanya. Pakiramdam ni Hunter huminto ang ikot ng mundo niya basta na ririnig lang niya ang malakas na sigaw niya at tinatawag ang pangalan ng asawa na hindi makita. Wala na ang mesang kinakainan nila ni Hailey kanina. Nakita pa niya ang corsage sa sahig na nasa braso ng asawa niya kanina at mga taong sugatan na customer na pawang mga nasaktan. Malakas ng umiyak si Hunter na napa luhod na lang ng hindi na niya magawang tumayo dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya. "Hunter." napahinto sa pag-iyak si Hunter na parang spring na lumingon at nakita si Hailey na maayos na nakatayo at ni

