"Kailangan po ba talagang tumulong ako?" maktol ni Hailey habang sakay sila ng sasakyan nila papuntang resort dahil meron event mamayang gabi christmas party ng isang kumpanya na dun gagawin sa resort. "Kailangan ko lang talaga kami sa tao ngayon pero mamaya puwede na kayong umuwing mag-ina pag nailagay na sa ayos ang lahat." wika ng ina. "Ang dami kasing naka christmas leave ngayon kaya nag short kami ng tao, meron naman na kaming mga temporary employee pero s'yempre na ngangapa pa pa rin sila sa mga trabaho sa resort." paliwanag naman ng ama. "Sa resort din po ba nag tarabaho si Hunter?" tanong na lang ni Hailey. "He owned it's Mommy." sagot naman ni Honey na ikinakunot ng noo ni Hailey na napalingon sa anak na nasa likuran. "Who told you?" tanong naman ni Hailey. "Daddy said it,

