"Anong balak mo?" tanong ni Keil sa kaibigan habang nasa kubo sila sa harapan ng bahay habang nag-iinom.
"Bakit may i-su-suggest ka ba?" balik tanong ni Hunter sa kaibigan habang nakatitig sa baso na may lamang alak na hindi naman niya iniinom.
"Forget about her."
"Pakitagalog pre' hindi ko na intindihan." ngisi ni Hunter na tinungga na ang laman ng maliit na baso sabay ngibit na kumuha ng pulutan.
"Ikakasal na siya."
"Kasal pa rin siya sa akin kaya technically asawa ko pa rin ang kapatid mo."
"Iniwan ka na niya at pinag palit sa ibang lalaki."
"Paano kung hindi?" napabuga naman ng hangin si Keil na napatingin sa kaibigan na bago tinungga ang laman ng baso at sinalinan ulit bago inabot naman kay Hunter sabay hithit ng sigarilyo.
"Talagang baliw ka pa rin sa babaitang yun." pagak naman na tumawa si Hunter.
"Hindi porket na laman mo na may anak na kayo at ikaw talaga ang ama, mag papaka_____."
"Ayaw mo ba sa akin? Deretsohin mo na ako." simangot na tanong ni Hunter na binato naman ni Keil ng takip ng alfonso na sinalo lang ni Hunter.
"Nakita kita kung paano muntik masira ang buhay mo dahil kay Hailey. Hindi malandi ang kapatid ko sigurado ako dun iyon lang napili niyang paraan para lang itaboy ka." napabuga ng hangin si Keil.
"Siguro sabihin na natin na may naging mali pero hindi pa rin magiging tama na sinukuan ka niya at sa maling paraan niya pinili na saktan ka para lang makatakas sa buhay na pinasok niya. Tama talaga ang kasabihan na ang pag-aasawa ay hindi isang mainit na kanin na kapag napaso ay puwedeng iluwa." napabuga ng hangin si Keil.
"Ayoko lang na makita ulit ang dating Hunter, tandaan mo marami ng naasa sa'yo ngayon marami ng pamilya ang gumanda ang buhay dahil sa'yo. Kaya sana pag-isipan mo ang magiging action mo, walang masama kung mag papakaama ka sa anak n'yo pero kung mag papakaasawa ka hindi ako sigurado kung tama pa ba yun." bumuga naman ng hangin si Hunter na napatanaw sa nag bukas na ilaw sa silid ng anak nila ni Hailey na marahil sisilipin ng asawa ang anak nila.
"Pag-isipan mo munang mabuti Hunter, tandaan mo bumalik lang si Hailey dito para maayos ang divorce paper n'yo hindi para balikan ka."
"Sige pre, iduldul mo pa! Parang gitil na gitil ka na ipamukha sa akin na hindi na ako mahal ni Hailey." natatawang wika ni Hunter tumawa naman si Keil.
"Bakit umaasa ka ba na mahal ka pa rin niya?"
"Malay mo naman tandaan mo, ako ang 1st love niya. Ako ang 1st niya sa lahat kaya hindi rin naman siguro imposible na meron pa rin sa bahagi ng puso niya na ako ang may-ari." umasim naman ang mukha ni Keil na tinawanan naman ni Hunter.
"Kokonti pa lang ang iniinom natin pero parang lasing na agad ako." turan pa ni Keil.
"Pag pinukpok ko sa ulo mo itong bote, tiyak iikot na paningin mo."
"Pero hindi nun mababago na meron ng ibang gustong pakasalan ang kapatid ko." natatawang wika ni Keil.
"Sabihin ko kaya kay Pia na binigyan mo ng pera ang kapatid niyang lulong sa sabong. Mag break kaya kayo?"pananakot ni Hunter sa kaibigan. Ayaw na ayaw kasi ng nobya nito na mag bibigay ito ng pera sa pamilya nito pero mabait at uto-uto talaga si Keil ng mga pamilya ni Pia kaya ang bilis mahuthutan ang kaibigan ng pera na pinang susugal lang naman.
"Gago ka! Subukan mo lang sasabihin ko din kay Hailey na alam mo na ang tungkol kay Honey." Hindi naman naka imik si Hunter na binato lang si Keil ng buto ng inihaw na manok na pulutan nila.
"Bubuntisin ko ulit ang kapatid mo at titiyakin ko na hindi na niya ako iiwan sa pangalawang pag kakataon." natawa naman si Keil.
"Goodluck kung hindi ka ipakulong."
"She will gonna ask for more, itaga mo yan sa pulang bato sa bundok." wika pa ni Hunter na natatawa.
-
-
-
-
-
-
-
-
"Wow ang laki na ng pinag bago nitong resort na ito? infairness ang ganda." puri ni Hailey habang sumama siya sa ina para tingnan ang resort na minamanage ng mga ito noon. Malayong-malayo na iyon sa dating resort na pinag tatrabahunan ng magulang niya at kuya. At napansin din niya na halos kamag anak nila ang mga service crew ng resort na talaga naman ikinagulat niya ng bahagya,
"Honey! Tsk... dahan-dahan naman baka madapa ka nanaman puro sugat ka na!" sigaw ni Hailey ng makitang takbong-takbo ang anak.
"Hayaan mo na normal lang sa bata ang na susugatan." wika ng ina.
"Inaalagaan ko nga sa lotion Ma, at ayoko na nasusugatan ang babysot na yan at ang pangit mag peklat manang-mana sa ama niya." wika ni Hailey.
"Anong gagawin mo kapag nalaman ni Hunter ang tungkol kay Honey, naka handa na ba ang paliwanag mo?"
"Bakit po ako mag papaliwanag, wala naman po akong dapat ipaliwanag."
"Anak siya ni Hunter."
"Anak po siya ng ibang lalaki gaya ng paniniwala niya."
"Na siyang pinaniwala mo sa kanya." napabuga naman ng hangin si Hailey.
"Nay, tulungan n'yo na lang kaya ako na pirmahan ni Hunter yung divorce paper namin para______."
"Tigilan mo ako! Alam mo sa totoo lang na iisip ko baka may dahilan ang langit kung bakit 10 taon pa ang kailangan lumipas bago mo pa na diskubre na hindi papala kayo hiwalay ni Hunter. Baka si Hunter talaga ang nakatakda para sa'yo hinayaan lang kayo ng langit na mag pahinga since masasakit na ang mga nangyayari."
"Kaya mahal na mahal ko talaga kayo Nay e," napalingon naman sila ng ina ng makita si Hunter na papalapit habang may kinakain na ice pop na parang bata na sipsip pa nito.
"Ma, si Honey!" pasimpleng bulong ni Hailey sa ina pero napapikit si Hailey ng makitang tumatakbo na ang anak na papalapit sa kanila. Na lintikan na kilala ni Honey ang ama nito sa picture paano kung bigla nitong tawagin Daddy si Hunter tapos magalit si Hunter at sigawan nito ang anak niya. Baka bigla siyang maka sigaw ng Darna at baliin ang leeg ni Hunter.
"Tita!" sigaw pa ni Honey na ikinataas ng kilay ni Honey sa itinawag sa kanya ng anak na usually na tawag nito sa kanya kapag nasa Manila sila at isinasama niya ito sa mga gathering.
"Bunso halika na muna dun muna tayo samahan mo ang lola na mag ikot sa mga cabin." yaya ng mama niya sa anak.
"Tita gusto ko nun." turo ni Honey sa kinakain ni Hunter.
"Gusto mo nito?" ipinakita pa ni Hunter na ini-umang ang ice pop sa anak niya.
"Bibigyan kita nito kung sasabihin mo sa akin kung sino ang nanay mo at bakit Tita ang tawag mo kay Garutay." humagikgik naman ang batang babae.
"Garutay! Yuck ang pangit naman po."
"pangit din naman kasi siya." ani Hunter na itinuro si Hailey gamit ang ice pop na kinakain.
"Maganda kaya si Tita, bagay po kayo Sir." wika ni Honey.
"Sir? bakit naman sir... ang pangit naman ng tawag mo sa akin. Anak ka ba sa labas ng Keil?" tanong pa ni Hunter na yumuko para makatapat ang mukha ng batang babae. Kamukhang-kamukha ito ni Hailey wala man lang itong nakuha sa kanya, may nakuha pala yung allergy sa dami-dami ng mamanahin nito sa kanya allergy pa talaga.
"Ano bang pinag sasabi mo sa bata Hunter." inis na wika ni Hailey na inutusan ang ina na ilayo na muna si Honey na nag babye naman sa kanila.
"Siya ba ang anak mo? Talagang well trained ah! Tita? You teach your daughter to call you tita. Ibang klase?" iling ni Hunter.
"Wala kang paki-alam." sagot ni Hailey na tinalikuran si Hunter.
"Bakit hindi mo ako ipakilala sa kanya." wika ni Hunter na nakasunod sa kaniya.
"Para ano?"
"Para naman hindi nakakaawa ang bata, hindi ka niya matawag na mommy dahil itinatago mo siya tama! utusan mo siya na tawagin akong Daddy since kasal pa rin naman tayo." napahinto naman sa pag lalakad si Hailey na nilingon si Hunter.
"Anong point mo?" tanong ni Hailey na salubong ang kilay.
"Dahil alam ko ang pakiramdam ng batang mag-isang lumaki na walang magulang. Kaya kung ayaw mong mag patawag ng Mommy sa kanya, ako na lang ang tawagin niyang Daddy okay lang sa akin." balewalang turan ni Hunter.
"Ayaw mong pirmahan ang divorce paper natin, pinahihirapan mo ako dahil sa isang mesa lang na bulok na. Tapos gusto mo tawagin ka ng anak kong Daddy. Bakit may ambag ka ba sa pag papalaki ko sa kanya."
"Ambag? ilang taon na ba siya." napaisip pa si Hunter na parang nag bibilang.
"Kung 10 years old na siya possibleng isa ako sa sperm donor mo? ako ang nag supply sa kanya ng maraming sperm. Nakakailang rounds ba tayo noon bago ko pa nalaman na nanlalaki ka." wika ni Hunter na sasampalin sana ni Hailey ng mabilis na naka ilang bago umatras na nakangiti na parang ng aasar pa.
"Kung ayaw mo akong ipakilala sa anak mo, ako mag papakilala sa kanya para mas masaya."
"Aalis din kami dito Hunter."
"Paano kung hindi ako pumayag." ani Hunter na hinalikan ang dalawang daliri bago parang gumawa ito ng imaginary na pana sabay tira sa kanya.
"Your once mine and your always be mine." wika pa ni Hunter sabay kindat na tinalikuran siya. Awang naman ang bibig ni Hailey na napahawak na lang sa bewang na napasunod ng tingin sa asawa na daig pa ang tumira ng katol. Sabog ba to? Noon kung ipag tabuyan siya gitil na gitil na parang gusto na siyang isumpa ngayon naman may pa your mine! Your mine na! Ano bang hinit-hit nito. Hindi puwede ito malaking problema ito kapag hindi niya na ayos ang divorce paper nila. Paano na si Shawn?