Pilit na itinutulak ni Hailey ang binti ni Hunter pero ang tigas ng tapak nito sa sing-sing na ayaw talagang ibigay sa kanya. Malakas ang kutob niya na wedding ring niya ang nakita niyang tinapakan nito. Itinapon na niya iyon noon ng itapon ni Hunter ang wedding ring nito sa harapan ng bahay ng mga lolo nito noon ng mag-away sila at bilang ganti itinapon din niya ang sa kanya iyon yung eksena na muntik na siya nitong sampalin dahil hindi naman pala nito itinapon ang sing-sing nito inakala niyang itinapon nito, kunwari lang na itinapon. Kung sing-sing nga niya ang nakita niyang gumulong kanina ibig sabihin hinanap talaga nito pero paano nito na hanap yun malakas ang pag kakabato niya at tiyak niyang tumalsik iyon ng malayo. Kaya paano nito na hanap ang maliit na sing-sing na iyon. "Ano ba

