"Wow ang galing-galing mo naman mommy." tuwang-tuwang palakpak ni Honey habang na nonood sa ina na nag i-ice skating. Christmas break na ulit ito kaya naman marami naman silang time para magbonding. Naiwan naman sa villa ang baby kasama ang parents niyang nasa villa din pansamantala para makasama ang apong si Clifford kaya naman may time sila ni Honey na mag bonding. Simula kasi ng ipanganak niya ang bunso nila nabawasan na ang oras niya kay Honey, madalas nasa school ito pag-uuwi naman ito galing school alaga niya si Clifford at na dede. Nagkakaharap lang sila ni Honey kapag may project ito sa school at assignment na kailangan nito ng tulong or kailangan nilang mag review. Madalas pa niya itong pagalitan lately gawa nga ng isang binatilyo na boyfriend di umano nito, pero after ng away n

