"Tao! Tao po..." tawag pa ni Hunter sa malaks na boses pag pasok pa lang nila sa bakuran ng bahay nila Hailey. Napangiti pa siya ng makita ang anak ang unang tumakbo palabas. "Daddy." tawag pa ng anak na nakakataba ng puso. "Hows my baby girl," bati niya rito ng mabilis na lumuhod para mayakap ito. "I have clogged nose." turo pa ni Honey sa ilong. "Akina sisipsipin ni Daddy." biro pa ni Hunter na ikinahagikgik ng bata na itinulak ang mukha niya ng akmang ilalapit sana niya ang mukha sa ilong nito. Natigil lang sila sa pag kukulitan ng tumikhim si Shawn na saglit na nalimutan ni Hunter. "Hi Honey! Remember me..." bati pa ni Shawn sa anak niya na humawak sa kamay niya ng tumayo na siya. "Of course, po he's my dad." turo pa ni Honey kay Hunter na ikinayuuko rito sabay malawak na napangi

