Awang ang bibig na napatingin ang lahat ng sunod-sunod na dumating at huminto sa harapan ng bahay nila Sandy ang mga sasakyan ni Hunter at Keil kasama ang isang van na si Nick naman ang may dala sakay ang mga matatandang kamag-anak na gustong sumama daw sa pamumulong nila dahil ganun daw ang bulungan sa Batangas kailangan meron daw matatanda na kasama upang mapag-usapan ang kasalan na magaganap mismo sa Batangas sa bayan ni Sandy. "Abay Gordon, iyan ga ang iyong mamanugangin." tanong ng isang matanda ng lumabas ang mga bisita nila. "Oho, Nana. Yung naka dilawing damit siya ang mapapangasawa ng apo n'yo sa tuhod." sagot naman ni Gordon. "Abay kagagandang lalaki naman ng mga iyan, hindi ba at ang isang iyon ay galing na dine noon nakakaraan na kasal ni Alexis." turo pa ng isang matanda.

