"Pasensya na kayo sa nangyari hindi namin sinasadyang mag lihim sa inyo, gusto lang din kasi muna namin malaman ang katotohanan. Dahil kahit kami ay hindi rin namin alam, hindi naman namin akalain na ito palang si Keil at Sandy ay nag kakamabutihan na. Kung timano ay alam namin hindi rin kami papayag dahil alam namin na masyado pang bata itong anak n'yo." wika ni Veron. Sa resort na nila muna ideneretso ang magulang ni Sandy para makapag-usap muna ng maayos muli. Ang gusto sana ng mga ito ay dumeretso na ng uwi pero nag-aalala si Sandy sa ama na medyo tumaas ang BP dahil sa nangyari kanina. Kaya hinimok ni Sandy ang ina nito na pigilan ang ama na ipilit na umuwi agad at buti na lang pumayag kaya sa resort na nila pinag stay ang mga ito para makapamahinga ng maayos. "Sa totoo lang, e, hind

