"Efren," galit na tawag ni Hunter sa kapatid. Napalingon naman si Efren habang may kausap na staff na nag aayos ng resort para sa parating na christmas season. Sisimulan na ulit mag latag ng mga christamas theme at itayo ang giant christmas tree na bago nilang tourist attraction ngayon taon. "Yes, Kuya." lingon naman ni Efren na nag pasalamat na sa tauhan na kasama ang contractor na kinuha nila. "Ano tong naririnig ko na lagi kayong nakikitang magka-usap ni Julie?" napabuga naman ng hangin si Efren na napakamot ng ulo. "Wala yun kuya, wag mo na lang pansinin. Fake news lang yun," ani Efren. "Fake news? E ako na mismo ang naka kita sa CCTV footage na pabalik-balik dito si Julie. Bakit?" "Wala lang yun." pag-iwas ni Efren sa kapatid na tumalikod. "Sasabihin mo sa akin ang totoo o sasab

