"Is she alright Doctor, hindi pa ba lalabas ang baby?" nag-aalalang tanong ni Keil. "Puwede naman natin ilabas through cesarean section ang baby since ilang weeks na lang naman full term na ang kapatid mo pero si Hailey ang may ayaw. Hindi daw niya ilalabas ang baby na wala si Hunter," wika ng Ob ng kapatid napabuga naman ng hangin si Keil na napasapo sa buhok. "Pero ligtas naman ang apo ko tama ba?" nag-aalala naman tanong ni Veron na hawak-hawak si Honey na umiiyak na inaalo naman ng asawa na nag-aalala din para kay Hailey. "Yes po masyado lang sigurong na stress si Hailey kaya nag cause ng bleeding pero wala naman akong nakitang sign ng distress sa fetus. Nag kakaroon lang ng contraction at pre-term labor dahil marahil sa nangyayari, kaya kung mag papatuloy siyang ganito possibleng m

