"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Keil ng mapagbuksan ng pinto si Sandy na may dalang ecobag saka isang folder. "Inutusan ako ni Tita Vero na dalahin sa'yo to." "Talagang ngayon pa? Anong oras na oh!" itinuro pa ni Keil ang oras sa rilo na alas 7 na ng gabi." "Wala nga daw mautusan ni Tita kaya inintay pa akong umuwi." "Sana bukas na lang." ani Keil na inabot ang ecobag at folder. "Papasok sa bahay mo?" "At bakit?" tanong pa ni Keil pero nilakihan naman ang bukas ng pinto. "Ang laki ng bahay n'yo bakit nag aapartment ka pa?" "Wag kang feeling close." "Hmmp! yabang... pirmahan mo daw yan iuwi ko din daw pag-uwi ko." ani Sandy na nag palinga-linga na nakarating sa kusina ng may maamoy na masarap na amoy. "Wow taray may ka date ka?" natatawang tanong ni Sandy ng makita ang arra

