Ilang araw ng nag hihintay si Hailey ng kuwento sa anak niya pero wala itong binabanggit na kahit ano tungkol sa ama nito. Palagi kasi itong napunta sa resort kasama ng ina niya habang siya naman ang naiiwan sa bahay para bantayan ang Papa niya na hindi pinayagan na mag trabaho sa resort pansamatala. Gusto daw kasi ni Hunter kapag daw magaling na magaling na ito saka ito papayagan na bumalik sa trabaho. Pero ni minsan hindi man lang nag kuwento ang anak tungkol sa Daddy nito nag kukuwento ito ng mga ginawa nito sa resort pero never niyang narinig ang kuwento tungkol sa ginawa nito at ng ama. Sabi naman ng mama niya si Hunter daw ang madalas na kasama ni Honey sa buong maghapon sa resort, minsan daw nag swi-swimming ang mag-ama. Kung ano-ano lang daw ang na iisipan ng dalawa, minsan daw i

