Chapter 13

1786 Words
Xia's POV Pagkatapos namin mamimili ni Jason, inayos ko na ang mga gamit ko. Binilhan niya din ako ng maleta para daw may paglagyan ako at hindi puro paper bag dala ko kapag lumipat. "Mag-iingat ka doon," paalala niya sa akin bago sumakay. Tinanguan ko naman siya at saka siya kinawayan para magpaalam. Pagkaalis niya, pinuntahan ko na si Mr. Takeshi sa opisina niya. "Pasok ka. Maupo ka na muna. Magliligpit lang ako saglit," aniya pagkabukas niya ng pinto. Sinunod ko naman siya at pinanood siyang mag-ayos ng gamit. Pinatay niya ang laptop niya saka inipon ang mga nagkalat na papel sa mesa. "Let's go," sabi niya habang bitbit ang laptop niya na nasa bag. Hindi ko mapigilang kabahan habang nasa biyahe kami. Iniisip ko kung ano magiging reaksyon nila Bliss kapag nakita ako. Matutuwa kaya sila? Magagalit? Maiinis? "Nandito na tayo," tawag sa akin ni Mr. Takeshi. Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng bahay nila Trevor. Tumindi ang kaba ko habang palapit kami sa gate. Sa sobrang kaba ko tumayo ako sa likod ni Sir Takeshi.  Binuksan niya ang gate saka ako niyayang pumasok sa loob. Kumatok siya sa pinto. Pagbukas ng pinto, dahan-dahan akong sumilip sa likod ni Sir Takeshi para tignan kung sino nagbukas. "Xia?" pansin ni Bliss sa akin. Napayuko ako dahil sa hiya. "....." "Nagawa niyo pinapagawa ko?" tanong ni Mr. Takeshi. Pag-angat ng ulo ko sumalubong sa akin ang mga tingin nila na lalo lang nagpakaba sa akin. Hindi ko din alam sasabihin ko sa kanila. "Yes sir. Ayos na ang kwarto niya," tugon ni Trevor habang may inaabot na credit card kay Mr. Takeshi. Muli niya binalik ang tingin niya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. "....." "Good. Si Xia nga pala ang bago niyong housemate at ang bago kong assistant," pakilala ni Sir Takeshi kahit na kilala na nila ako. Pansin niya siguro ang ilangan sa pagitan namin. "Tinanggap mo yung trabaho?" tanong ni Bliss. Tumango ako. "Iwan ko na si Xia sa inyo. Kayong na bahala sa kanya. Kayo na din magpaliwanag ng lahat ng tungkol sa CLA," paalam bigla ni Sir Takeshi. Gusto ko siya pigilan dahil hindi ko alam gagawin ko. "Yes Sir," sagot ni Bliss sabay kapit sa braso ko. Ningitian niya ako. Paglabas ni Sir Takeshi, niyakap niya ako bigla. "Welcome back. Akala ko hindi ka na babalik dito." "Oo nga. Akala namin lalayuan mo na talaga kami," sabi naman ni Claude. "Sorry," nahihiyang sabi ko. "Ayos lang. Naiintindihan ka namin. Samahan na kita sa magiging kwarto mo," sabi ni Trevor sa akin saka niya kinuha ang maleta ko. "Salamat." "Walang anuman." Pagkadating namin sa kwarto ko, una ko napansin na kumpleto na ito sa gamit. May color theme ito na  itim at puti na nagustuhan ko agad. Kumpara sa inihandang kwarto ni Mr. Sanchez, simple lang ito. "Hindi namin alam ang paboritong kulay mo kaya black and white na lang ang naisip naming gamiting kulay," paliwanag ni Bliss. "Salamat. Nagustuhan ko yung kulay," nakangiting sabi ko. Wala din naman akong paki sa kulay ng kwarto; ang mahalaga may matutulugan ako. Kinaumagahan... "Good Morning Xia," bati ni Bliss. Inangat ko ang whiteboard ko na may nakasulat na good morning. Sinulat ko na ito agad bago pa ako lumabas ng kwarto; para mas madali ko sila mababati. "Upo ka na dito," tawag sa akin ni Bliss habang hinihila ang upuan sa tabi niya. Magkakatabi kaming mga babae habang magkakatabi ang mga lalaki nasa harapan namin. Pangwaluhan ang kainan at walang nakaupo sa kabilaang dulo nito. "Kain ka lang. Wag ka mahiya," sambit ni Trevor. Nagulat na lang ako na pinaglalagyan nila ng pagkain ang plato ko. Hindi lang siya ang gumawa pati sila Claudine. "Ganito talaga dito. Wag ka na magulat," natatawang sabi ni Claude nang mapansin niya ang reaksyon ko. "Salamat," sulat ko. Pagkatapos namin kumain, sabay-sabay na kami pumasok. Dahil matagal ako hindi nakapasok wala ako ideya sa nangyari sa paaralan. Pero kapansin-pansin ang lungkot sa paligid. "Noong mga nakaraang araw sunod-sunod ang pagkakamatay ng mga istudyanteng babae dito. Lahat sila suicide ang ginawa. Karamihan  sa mga kaibigan nila hindi naniniwala na nagpakamatay kaya ganyan na lang itsura nila," paliwanag ni Trevor kahit na wala naman akong tinatanong. Nahalata niya siguro sa reaksyon ko kaya nagpaliwanag siya. "....." "Suicide ang nakikita ng mga pulis pero ang totoo pinatay sila,"  sambit bigla ni Claudine. "Murder?" gulat na tanong ko. Ibig sabihin ba niyon may pumapatay sa school? "Mamaya sa bahay ipapaliwanag namin. Mahirap na dito baka may makarinig," bulong ni Trevor. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "What the F!" sambit ni Claude nang may nahulog sa harapan niya. Nanlalaking matang tinignan ko ang duguang babae sa harapan ko at napahawak sa dugong tumalsik sa akin. "Aa---hmmmp!" "Wag kang sisigaw," bulong ni Zander habang tinatakpan ang bibig ko. Biglang bumilis ang t***k ng pusok nang maramdaman ko ang hininga niya malapit sa tenga ko. "...." Tumango ako saka hinawakan ang kamay niya para alisin ito. Nang maalis ko ang kamay niya, kumuha siya ng panyo saka pinunasan ang dugong tumalsik sa akin.. "......" Natulala na lang ako sa kanya dahil sa ginawa niya at sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Seryoso ang mukha niya habang pinupunasan ako na para bang normal lang ang ginagawa niya. "A-ako na," utal na sabi ko sabay pigil sa kamay niya na may hawak na panyo. Doon lang siya tumingin sa akin at parang matutunaw ako sa titig niya. Nakaramdam ako ng init sa mukha. "Aaaaahhhhhhh!" sigaw ng isang istudyante at salamat sa kanya dahil nalihis ko ang atensyon ko. Lumapit ako kay Bliss habang pinapaypayan ang sarili  gamit ang kamay. "Ayos ka lang? Bakit ka namumula?" tanong ni Bliss. Nagsulat agad ako sa whiteboard. "Ayos lang ako," pakita ko sa kanya habang nakatago ang mukha ko sa whiteboard. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang puso ko na kanina pa tumitibok ng mabilis. "Sandy!" napatingin ako sa isang babaeng tumatakbo. Palapit ito sa babaeng nahulog sa building. Bago ito tuluyang makalapit, hinarangan na siya ni Trevor. "Diyan ka lang," sambit ni Trevor. Umiyak ito bigla. Kundi ko nakita ang buong pangyayari, iisipin kong pinaiyak siya ni Trevor. "Padaanin mo ko! Kaibigan ako ni Sandy," aniya habang pinipilit na makalapit sa babaeng nahulog. "May nagpakamatay nanaman," sabi ng isang lalaki. Napuno ng bulungan ang paligid. "Tumabi kayo diyan. Pumunta na kayo sa mga klase niyo. Kami ng bahala dito," sabi sa amin ni  Sir. Navarro. Umalis na ang iba habang kaming anim nila Trevor naiwan. Alam ko naman kung bakit ganyan na lang sila makatingin sa bangkay. Nasabi na nila sa akin ang trabaho nila sa CLA. Ang CLA ay isa sa mga private detective agency kung saan nagtatrabaho sila para lumutas ng mga kaso at humuli ng mga criminal lalo na kung bampira ito. Noong una hindi ako naniwala sa kanila pero may pinakita silang id sa akin kaya naniwala na ako na mga batang detective sila. "Ano pa ginagawa niyo dito?" tanong bigla sa amin ni Sir. Navarro habang nalapit sa pwesto ko. Hinila ako bigla ni Zander na kanina lang kausap si Trevor. Bakit nanaman niya ako hinihila? Problema nito? "Pasok na po kami Sir," sabi ni Trevor bago sumunod sa amin. Maayos naman ang buong araw ng klase maliban sa masyadong tahimik. Wala na ang masayang ingay noon. "Xia, uwi na tayo," tawag sa akin ni Bliss. "Una na kayo. Kakausapin ko pa adviser natin," sulat ko. "Hintayin ka namin sa sasakyan," sabi sa akin ni Trevor. Tinanguan ko siya bilang tugon. Inayos ko na ang gamit ko at nagtunggo sa faculty.  Saglit lang naman ako kinausap ng adviser namin. "Uhhh! Ahhh," napatingin ako sa room sa tapat dahil sa ingay na nagmumula doon. Tinignan ko pa ang iba kung may nakapansin malibam sa akin. Pero lahat sila tuloy lang sa paglalakad kahit na paulit-ulit ang ingay. Bakit parang wala silang naririnig? Ako lang ba ang nakapansin. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at nang hawakan ko ito isang imahe ang nakita ko. Isang babaeng istudyante ang yakap ng isang lalaki. Nasa bandang leeg ng babae ang ulo nito. Base sa suot ng lalaki, isa itong guro habang istudyante naman ang babae. "Lei!" Napabitaw ako bigla sa pinto nang tawagin ako ni Stella. Gulat na tinignan ko siya. "Ano ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong niya pero sa halip na sagutin ko siya tumakbo ako palayo. Nilingon ko pa siya saglit nang nakalayo ako. Nakita kong lumabas sila Sir. Navarro sa room at si Ynna na kaklase namin. Biglang may humawak sa akin. "Bakit ka tumatakbo?" tanong ni Jason. "Huh? Ah! Kanina pa kasi ako hinihintay nila Zander kaya nagmamadali na ako," pagdadahilan ko. "Ah. Akala ko may hindi nanaman magandang nangyari. Sige ingat ka," sabi niya bago ako bitawan. Nakita ko sila Trevor na nakatambay sa labas ng sasakyan. Nakasandal si Zander at Trevor sa sasakyan. Habang sila Claudine nakatayo sa harapan nila. Parang may seryoso silang pinag-uusapan. "Nandito na si Xia," sabi ni Trevor nang mapansin ako. "Pwedeng dumaan muna tayo sa sementeryo?" tanong ko. "Okay." Pagkadating namin doon pinuntahan ko agad ang puntod nila mama. Sumunod naman sila sa akin. Nagsindi ako ng kandila. "Ma, Pa, Kuya, Bunso, sila Trevor nga po pala. Mga kaibigan ko. Sorry nga po pala sa ginawa kong paglaslas dito. Hindi ko na po uulitin yun. Aayusin ko na po ang buhay ko," sambit ko. Ngumiti ako. "Pangako po yan. Pa, babawiin ko po ang company na pinaghirapan niyo. Hindi ko po hahayaan na katulad ni Mr. Sanchez ang magpatakbo doon. Alam kong matalik na kaibigan mo siya pero hindi po ako makakapayag na hindi niya mabayaran ang ginawa niya sa akin. Yun lang po sasabihin ko. Alis na po kami. Bye po. Mahal na mahal ko po kayo." Pagkaharap ko kila Trevor sumalubong sa akin ang seryosong mukha nila. "Bakit?" tanong ko. "Ngayon lang kita narinig na magsalita ng ganung kahaba," sabi ni Claude. Ningitian ko na lang siya. "Sana ganun ka din sa amin," sambit naman ni Bliss. "Hayaan niyo na muna si Xia. Alam ko darating din ang araw kakausapin  niya tayo ng hindi gumagagamit ng whiteboard. Improving na nga siya ngayon dahil napapadalas ang pagsasalita niya sa harapan natin," sabi sa kanila ni Trevor. "Salamat," nakangiting sabi ko sa kanya. Umuwi na kami ng sama-sama. Buti na lang tuwing walang pasok lang ako magtatrabaho kay Mr. Takeshi, kaya nagagawa ko pang dalawin si Mama at nakakasama sila Bliss. Third Person's POV "Anong balita?" tanong ng isang lalaki kay Jason pagkabukas niya ng pinto. "Kila Zander na titira si Xia,"  tugon ni Jason.  "Mabuti na iyon. Mas ligtas siya sa kanila." "Pero mga bampira sila. Baka kung anong manyari sa kanya doon. Bakit kasi hin--" "Hindi pa ito ang tamang oras. Basta bantayan mo lang siya at siguraduhing hindi nila malalaman ang tungkol kay Xia." "Mukhang nagdududa na nga sila kay Xia. Parang may alam na sila." "Hindi pa rin nila alam ang sikretong bumabalot sa pagkatao ni Xia. Walang pang nakakaalam maliban sa atin," sabi ng lalaki.  Gagawin ko ang lahat para maitago ang sikreto niya. Hindi ko hahayaang masayang lahat ng sakripisyo nila Mama. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD